Cesca Litton misses hosting in front of the camera

Cesca Litton says that she really had to adjust when she became segment host of a showbiz-oriented show because it was not her forte.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/23/2012 10:19 AM
Cesca Litton misses hosting in front of the camera


082312-cesca_main.jpgBiniro ng ilang manunulat si Cesca Litton sa kanyang latest endorsement na alcoholic drink dahil kung siya ang ini-interview dati, siya naman ang ininterview. Sa ngayon ay hindi masyadong nakikita on-camera si Cesca at ang pinagkakaabalahan ay ang pagho-host ng online component ng Showbiz Inside Report.

Nang tanungin siya ng Push.com.ph kung hindi ba niya nami-miss ang pagtatrabaho sa harap ng camera ang mabilis niyang sagot, “I do, I really do and na-attach din talaga ako sa SNN (Showbiz News Ngayon) kasi dun ako nakilala. I really appreciate the experience I got from SNN,” ani Cesca sa Colt 45 Beer Angels press conference kung saan kasama niya sina Denise Laurel at Bela Padilla.

Pagpapatuloy pa ni Cesca sa pagiging segment host, “Andami mong matututunan, andami mong makikilala and considering that SNN is my first hosting show, kasama ko pa si Boy Abunda at Kris Aquino.”

Hindi rin niya itinago na hindi naging madali para sa kanya ang pagiging segment host ng isang showbiz-oriented TV show dahil ang kanyang unang naging trabaho ay sportscaster. “Nahirapan ako, baptism of fire iyon.”

Lalo pa raw siyang nagulat noong maging boyfriend niya si Jericho Rosales dahil siya ang hinahanap para ma-interview. “Nagsisimula pa lang ako noon, ‘di ako sanay. I think I was still shocked that people cared about my life.” Simpleng tao lang daw siya pero learning experience naman ang nangyari.

Sa ngayon ay may non-showbiz boyfriend si Cesca at masaya siya na nag-e-effort ang boyfriend na suportahan at samahan siya sa kanyang pagkahilig sa outdoor activities at sports.

Nang tanungin siya kung kelan siya magpapakasal, ang sagot niya, “When God says it’s the right time. I don’t enter a relationship na for fun lang. ‘Pag nagka-boyfriend ka, nagka-girlfriend ka, you think of it long term. That’s why I also believe in nililigawan ako. Maghirap ka muna, natatawa niyang kuwento.

Nakita rin ang sexy side ni Cesca sa commercial ng Colt 45, malayo sa very prim and proper na persona as a host. “It’s time for me to really let loose na. Parang tama na ‘yung dati andami ko pang iniisip, na if I say this may maaapektuhan, if I do this may magko-comment ng ganyan. Tama na, I’ve learned na you can’t please everybody. My number one goal in this life and the next; whatever blessings I get now, [I] do all for His glory.”