• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros reacts to Jason Francisco's willingness for them to get back together

Melai Cantiveros reacts to Jason Francisco's willingness for them to get back together

Melai Cantiveros says that she and Jason Francisco are rekindling their friendship.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/22/2012 8:37 AM
Melai Cantiveros reacts to Jason Francisco's willingness for them to get back together


082212-melason_main.jpgKinamusta ng Push.com.ph si Melai Cantiveros tungkol sa kanyang love life. “Over-over sa happy life ko, wala akong love life. Focused ako sa aking sarili.

Matatandaang sa naging panayam ng programang Kris TV kay Jason Francisco, sinabi nito na may plano siyang unti-unting makipagbalikan sa dating karelasyong si Melai. Nang makuha ng Push ang reaksiyon ni Melai sa sinabing ito ni Jason, hindi makuhang maniwala ng dalaga. “Parang hindi naman yun totoo, parang char-char (joke) lang yun.”

At sa lahat ng mga nangyari, kinukuha muli ng dalawa na unti-unting isalba ang kanilang pagkakaibigan. At para kay Melai ito muna ang dapat pagtuunan ng pansin ng binata kesa sa ibalik ang namagitan sa kanila noon. “I-save muna yung friendship namin huwag muna yung magkabalikan. Next time na lang, next decade.”

Dahil sa ipinahayag na kagustuhan ni Jason na magkabalikan sila, natanong na rin ng Push si Melai kung may pagpaparamdaman bang ginagawa ang binata. “Sabi niya gusto niya makipagbalikan, wala naman siyang pagpaparamdam. Atsaka mahiya siya magparamdam kasi naghiwalay kami tapos nagkabalikan kami kagad. Ano ba yun?

Ibinahagi ni Melai ang nakikita niyang rason kung bakit biglang sinasabi ni Jason na gusto nitong makipagbalikan sa kanya. “Kasi nagkikita naman kami kasama yung mga fans namin na akala niya siguro bumalik yung damdamin. Baka char-char mo lang yun huwag kang maniwala sa feelings mo.

Isa rin kaya sa mga rason kung bakit ayaw niya makipagbalikan sa dating kasintahan ay may nanliligaw na sa kanya? “Uy wala! Walang nanliligaw.”

Pero marami pa rin ang gustong makaalam kung kamusta na sila ng napapabalitaang nagkakagusto sa kanyang Azkals striker na si Misagh Bahadoran. “Hindi ko po alam.” Napabalita noon na may plano si Misagh na magkita sila, lumabas at magkakilanlan ni Melai bilang si Melai din ang paborito niyang aktres. “Hindi ko alam. Hindi naman kami nagtetext kasi hindi naman namin alam na ang number ng isa’t isa pero dati po magkatext kami, ngayon hindi na.

At sa katanungan na kung mahal niya pa ba ang dating kasintahang si Jason ang tanging nasagot na lamang ng dalaga, “Nandun naman yung care.”