Angelica Panganiban remains mum about John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban says that she will talk about what's going on in her personal life when she's ready.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/22/2012 8:40 AM
Angelica Panganiban remains mum about John Lloyd Cruz


082212-angelicajlc_main.jpgKung ano ang nakikita n’yo sa panlabas, ‘yun din ang nakikita n’yo sa loob, so hindi ko na kailangang mag-explain pa kung ano ‘yung nararamdaman ko,” ito ang kabuuan ng panayam kay Angelica Panganiban kamakailan sa kanyang shampoo endorsement, nang tanungin siya hinggil sa kontrobersyal na pagkakamabutihan nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Matatandaang a few weeks ago ay may na-post na pictures si Angelica with John Lloyd na may title na “perfect Sunday” na pinakamalapit na pag-amin ng dalawa na maaaring may namamagitan na sa kanila.

Sa press conference nila ni Cristine Reyes para sa Pantene Nature Care noong Martes (August 21) sa Mega Event Center sa SM Megamall, tinanong si Angelica kung gaano kasaya ang mga araw niya ngayon kumpara noong mga nakaraan. Aniya, ayaw niyang magkumpara. “Ang sa akin lang kung nararamdaman ko na paganda nang paganda ang bawat araw na meron ako, hindi ko ‘yon kailangan hingin sa ibang tao. Nararamdaman ko ‘yon sa sarili ko dahil nahanap ko kung anong gusto kong ma-achieve; ‘yung panahon sa sarili ko, maalagaan ang sarili ko, pagandahin lalo ang sarili ko. Mukha namang achieve na achieve ang kagandahan na ‘yon.

Kinumpirma rin niya na ang pagbabalita ni Boy Abunda sa The Buzz kamakailan na si John Lloyd Cruz nga ang nag-post ng pictures nila sa internet gamit ang instagram ni Angelica na may pamagat na “perfect Sunday.”

Noong una ay naging matipid ang aktres hinggil sa isyu nila ni John Lloyd, subalit bandang huli ay nagsalita na rin siya at nakiusap na hayaan na muna siya sa kanyang personal na buhay.

Siguro naman obvious sa inyong lahat kung anong meron ako noon (relationship with Derek Ramsay). Hindi ko naman ‘yon itinago, hindi ko naman ‘yon ipinagdamot. Siguro may karapatan din naman akong ‘wag magsalita at piliin kong manahimik at hayaan n’yo munang ma-enjoy ko ‘yung privacy at ‘yung happiness na meron ako ngayon. In time, darating tayo d’yan. Kapag nagdesisyon ako o bumait akong magsalita at i-share sa inyo kung ano man ang nararamdaman ko, sobrang proud akong gawin ‘yon pero ngayon hayaan n’yo na lang munang nasa ganito.

Tinanong din ng Push.com.ph sa aktres kung paano niya nagagawang maging masaya. “Mahalin mo ang sarili mo kasi pag dun ka nagsimula, masaya ka na pala agad. ‘Yung hindi mo na kailangan ng ibang tao para ma-aappreciate ka kasi alam mo na ang hangganan mo, alam mo na ‘yung magpapasaya sa ‘yo, ano ‘yung pwedeng ibigay at ano ‘yung mga hindi pwedeng maibigay at maiiwasan mo ‘yung masaktan, ‘yung [maging] malungkot, ‘di ba?