• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano says ZsaZsa Padilla remains positive and strong despite her ailment

Gary Valenciano says ZsaZsa Padilla remains positive and strong despite her ailment

Gary Valenciano is hopeful that ZsaZsa Padilla will overcome the latest challenge in her life and will be back in good shape in no time.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/21/2012 9:05 AM
Gary Valenciano says ZsaZsa Padilla remains positive and strong despite her ailment


082112-zsazsa_main.jpg“ZsaZsa (Padilla) is not just a strong woman, she also has wisdom,” ito ang very positive na pahayag ni Gary Valenciano hinggil sa pagkumpirma kamakailan ni ZsaZsa Padilla na mayroon siyang Stage 1 cancer.

Umalis kamakailan ang Divine Diva papuntang Amerika para humingi ng second opinion hinggil sa pagtubo ng isang polyp sa kanyang left kidney at na-diagnose nga siyang may karamdaman. Inaasahang sasailalim sa surgery ang singer-actress para sa tuluyan niyang paggaling.

Malungkot man nang marinig niya ang balita, hopeful naman si Mr. Pure Energy na malalampasan ito ng kanyang colleague at kaibigan. Sa kanyang  mensahe para kay ZsaZsa, sinabi ni Gary na siya at ang kanyang buong pamilya ay handang umalalay sa kanya kung kailangan niya ng suporta at ipagdarasal ang agaran niyang paggaling.

Ikinuwento pa nga ni Gary kung paano sinabi sa kanya ni ZsaZsa ang tungkol sa kanyang estado ngayon. Sa isang text message daw ay sinabi muna ni ZsaZsa “to hold his breath” at medyo nag-alala si Gary. Pagkatapos nga ay ipinagtapat ni ZsaZsa ang estado ng kanyang kalagayan bago pa man siya magpa-interview sa media via TFC sa Amerika.

Paniniyak ni Gary, optimistic si ZsaZsa sa kabila ng kanyang kalagayan kaya naman naniniwala siya na gagaling naman kaagad ang singer at hindi na raw niya kailangang sumailalim pa chemotherapy.

Bilib nga raw siya kay ZsaZsa sa magandang outlook niya sa buhay kahit na may pinagdadaanan man ang magaling at mahusay na singer-actress.