Zsa Zsa Padilla pays tribute to Dolphy via tattoo

Zsa Zsa and the Quizon's feel that getting Dolphy tribute tattoos is a symbol of their love for the Comedy King.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

8/2/2012 8:05 PM
Zsa Zsa Padilla pays tribute to Dolphy via tattoo


080212-zsazsa-main.jpgPara ipakita ang walang hanggang pagmamahal, nag-desisyon si Divine Diva Zsa Zsa Padilla na magpa-tattoo bilang pagalaala sa kanyang long-time partner na si Dolphy, ang Hari ng Komedya.

Sa kanyang official Twitter account nitong Huwebes, inamin ni Zsa Zsa ang kaba dahil sa unang pinta sa balat ng kanyang katawan.

"Good morning! I am a bit nervous. Will have my first tattoo as a tribute to Dolphy. Jaime Tud of Westside Tattoos will be coming over #lucky," ani Zsa Zsa.

Si Tud ang siya ding artist na gumawa sa "Dolphy" tattoo ni Vandolph at iba pang kasapi ng pamilya Quizon tulad din ni Boy 2. 

Ayon sa pamilya Quizon, simbolo ng pag-ibig at hindi paglimot kay Dolphy ang desisyon nilang magpa-tatu.

Matapos ang ilang oras, muling nag-tweet si Zsa Zsa para sabihing sa pagbabalik niya sa ASAP ngayong Linggo  ay ipapakita na niya ang pinagawa niyang "tribute tattoo."

"I love my tribute tattoo! Thank you, Jaime Tud and Wildside Tattoos. I'll show it on Sunday at Asap. ?," ani Zsa Zsa.

Maliban kay Zsa Zsa, balik ASAP din ang anak nila ni Dolphy na si Zia Quizon.