Zsa Zsa Padilla confirms she has Stage I cancer

The Divine Diva is expected to undergo surgery in the US.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/20/2012 12:51 AM
Zsa Zsa Padilla confirms she has Stage I cancer


082012-zsazsa-main.jpgMay bagong pinagdadaanang hamon ngayon si Zsa Zsa Padilla dahil inamin niyang meron siyang Stage I cancer. Kamakailan nga ay lumipad papuntang USA ang Divine Diva para humingi ng second opinion para sa polyp na tumubo sa kanyang left kidney. “When I heard the word 'malignant,' I was like, ‘O, I have cancer.’ Almost 3 cm. ‘yung growth and should be taken out,” kuwento niya sa interview sa kanya ng ABS-CBN News. 

Samantala, since nasa US na rin siya ay nakiisa siya sa mga nagsama-samang mga kamag-anak ni Dolphy sa North Hollywood at nagmisa bilang paggunita sa 40 days ng kamatayan ng Comedy King. Lingid naman sa kaalaman ng mga kamag-anak ni Dolphy ang pinagdadaanan ng singer-actress. “I’m still in the stage of denial,” kuwento ni Zsa Zsa sa pagpanaw ng kanyang partner. “Na-ospital siya, na-ICU siya, nakita mo, na-witness mo lahat. Namatay siya, hindi siya babalik, but a part of me still (say) you know, I’ll see him again.”

Gumawa na rin umano ng bucket list ang Divine Diva. “Pag nawala (ang cancer) sana forever maging cancer-free na ako at pinapangako ko sa sarili ko mas aalagaan ko ang sarili ko, ‘yung health ko, ‘yung pagkain.

Inaasahan namang sasailalim sa surgery si Zsa Zsa sa August  27.