Samantala, since nasa US na rin siya ay nakiisa siya sa mga nagsama-samang mga kamag-anak ni Dolphy sa North Hollywood at nagmisa bilang paggunita sa 40 days ng kamatayan ng Comedy King. Lingid naman sa kaalaman ng mga kamag-anak ni Dolphy ang pinagdadaanan ng singer-actress. “I’m still in the stage of denial,” kuwento ni Zsa Zsa sa pagpanaw ng kanyang partner. “Na-ospital siya, na-ICU siya, nakita mo, na-witness mo lahat. Namatay siya, hindi siya babalik, but a part of me still (say) you know, I’ll see him again.”
Gumawa na rin umano ng bucket list ang Divine Diva. “Pag nawala (ang cancer) sana forever maging cancer-free na ako at pinapangako ko sa sarili ko mas aalagaan ko ang sarili ko, ‘yung health ko, ‘yung pagkain."
Inaasahan namang sasailalim sa surgery si Zsa Zsa sa August 27.