• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos and Joey Reyes speaks out on rift with Alfie Lorenzo

Judy Ann Santos and Joey Reyes speaks out on rift with Alfie Lorenzo

Judy Ann reveals that disagreement with her manager Alfie Lorenzo is not a new issue anymore.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/18/2012 1:02 AM
Judy Ann Santos and Joey Reyes speaks out on rift with Alfie Lorenzo


081812-juday-main.jpgSa thanksgiving na ginanap para sa pagkapanalo ng Cinemalaya Entry na Mumunting Lihim sa apat na major awards kasama na dito ang pagkapanalo ni Judy Ann Santos bilang Best Actress, nakapanayam ang Queen of Teleserye tungkol sa relasyon nila ngayon ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo. Unang napabalita ang away diumano nina Alfie at Judy Ann dahil sa hindi nito pagpayag na makatambal si Sam Milby. At ngayon ngang sinisimulan na ang shooting ng kanilang teleserye, naitanong namin kung kamusta na ang relasyon nila ng manager at ayon kay Judai, “Kami naman ni Tito Alfie parati namang ganun, hindi naman lingid sa kaalaman niyo yan. May mga moments at napapadalas ang moments na yan na may mga tampuhan so hindi naiiwasan at hindi ko naman din gustong iwasan yung mga ganyan kasi sa ganung mga paraan matututo ka rin. I am sure one way or another si Tito Alfie may natutunan din.”

Ngunit idiniin naman ni Judai na kahit napapadalas ang mga pinagdadaanan nilang hindi pagkakaintindihan ng kanyang manager, nag-uusap pa rin sila at bukas ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa lalo pa at nung mga panahong nanalasa ang Habagat. “Tinawagan ko siya nung panahon na may Habagat kasi sa may Panay (Quezon City, isa sa mga lugar na apektado ng baha) siya nakatira so nag-alala ako baka nabaha na siya eh si Tito Alfie naman parang may pagsa-lili pong ayaw niyang magpa-rescue, dun lang siya sa bahay niya so kinamusta ko.”

Isa din sa mga itinuturong dahilan din ng kanilang hindi pagkakasundo ng talent manager ay dahil sa pagpayag at paggawa ni Judai ng indie film ngunit ayon kay Judai masasabing maayos na sila ng talent manager. “Okay naman, nagtext siya sa akin. Tinanong niya kung nanalo ako ng Best Actress, sabi ko, opo.

At sa panayam ng programang Cinemanews tungkol sa isyung ito sa direktor ng Mumunting Lihim na si Joey Reyes umamin ito na naipit din siya hindi pagkakaintindihan nina Judai at ng kanyang manager. “Ako nag-apologize, dahil inaamin ko naman pagkukulang ko yun. It was an oversight on my part, miscommunication and I apologized kasi inaamin ko naman na ako may mali doon. I know nagalit si Alfie with a reason, tinatanggap ko kung anong mga batikos niya sa akin dahil sa pangyayari na yun.

Nais na din ng award-winning director na matapos na ang kaguluhang namamagitan sa kanila. “I hope at this point after all that is said and done, na tapos na, matagal din naman ang pagkakakilala sa akin ni Alfie at matagal ko na rin kilala si Alfie. Wala namang samahan na hindi merong kaunting hindi pagkakaintindihan, pero para sa akin tapos na yun, sana tapos na rin sa kanya kasi malaki ang respeto ko sa kanya.”

Natanong din kung nagkaroon na ba sila ng pagkakaton na magkausap ng manager at ang sagot ni Direk Joey, “Hindi pa. Wala pa namang pagkakataon na mag-usap kami pero I think when we bump into each other it will still be the same na magtatawanan kami, I hope so.”