• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee, counting the months until Julia Montes turns 18

Enchong Dee, counting the months until Julia Montes turns 18

Enchong Dee says he'll patiently wait until Julia Montes is ready to be in a relationship with him.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

8/18/2012 1:39 AM
Enchong Dee, counting the months until Julia Montes turns 18


081812-enchong-main.jpgPagkatapos ng pelikulang The Reunion, may panibago na namang pelikulang gagawin si Enchong Dee kasama ang real-life sweetheart na si Julia Montes. Kaya raw madalas pa rin silang magkikita kahit sa set. 

Pagsasamahan nila ang pelikulang The Strangers, isang 2012 Manila Film Fest entry ng Skylight Films at Star Cinema. “Hindi ko siya masyado mami-miss kasi makakasama ko siya sa MMFF. “More on action and horror siya.  Tapos subtle approach yung romance. Mas sexy yung role ko dun so dapat tinapay ang abs. Nagsimula na ako magworkout, ang hirap!” 

Kahit busy sila sa kani-kanilang career, tuloy pa rin naman daw ang panliligaw ni Enchong kay Julia. Sa katunayan ay bilang na bilang ni Enchong kung gaano pa katagal ang hihintayin niya hanggang sa tumungtong na sa hustong gulang ang aktres. “7 months [18 years old na siya]! Wala pa [kaming relasyon], waiting pa rin. Sabi ko nga she’s worth the wait. Sayang naman yung tagal na inantay ko na. So hintayin na lang natin. Huwag natin madaliin.

Wala raw katotohanan ang usap-usapan na nagkakalabuan sila ni Julia lately. “Kasi in season ngayon [ang breakup]. Uso habang tagulan [kaya may kumalat na ganong balita]. Kasi nagkakaroon man kami ng misunderstandings, pero hindi naman malalalim, mga pambata lang siguro."

Nang tanungin siya kung bakit patiently waiting pa rin siya, ipinaliwanag ni Enchong na naiintindihan niya na may mga responsibilidad din kasi si Julia sa kanyang pamilya. “You’ll have to consider na siya yung breadwinner at siya nagaalaga sa family niya. So you have to have that initiative kung anong dapat gawin.”