• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby admits to being nervous on how people would accept his role in new teleserye

Sam Milby admits to being nervous on how people would accept his role in new teleserye

The actor says he is adjusting to taping a teleserye after two years of not doing a daily drama.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/15/2012 9:55 AM
Sam Milby admits to being nervous on how people would accept his role in new teleserye


081512-sam_main.jpgSa ekslusibong naging panayam ng Push.com.ph kay Sam Milby, kinamusta namin siya sa set ng bago niyang teleserye na Against All Odds at dito naikwento ng heart throb ang kanyang pagbabalik sa primetime. “Parang naninibago ako sa taping kasi two years na since yung last serye na ginawa ko so parang naninibago ako. Pero it makes a lot easier dahil kasama ko si Judy Ann Santos which makes a lot easier talaga.”
 
Walang masabi kung di papuri si Sam sa kanyang co-star na si Judy Ann Santos sa unang pagkakataon nilang magkakasama sa isang proyekto. “Sobrang galing talaga at ito din yung pagbabalik niya sa primetime bida so sobrang bait, sobrang bait talaga. Ito yung first time na magkasama kami sa project and sobrang galing talaga.”
 
Sa pag-amin ni Sam sa kanyang pangangapa sa paggawa ng teleserye, worth it naman daw ito dahil sa kakaiba niyang role at sinisiguro niyang hindi pa nakita ng kanyang mga tagasubaysay ang side niyang ito. “Ang gusto ko dito iba yung role ko siyempre maraming roles na yung naggawa ko dati pero ito talaga sasabihin ko talaga ibang Sam ang makikita ng kapamilya natin. Iba yung Sam na makikita niyo mula nung dati.
 
Ayaw magsabi ng kahit na kaunting detalye si Sam sa kanyang karakter sa bagong teleseryeng ito kaya ito na lamang ang kanyang binitawan, “Yung mga roles na ginawa ko dati always yung mga romantic, yung mabait mga ganun parang pang romance lang talaga yung role ko, dito hindi siya ganun.
 
Aminado din si Sam na malaki ang pressure at nerbiyos na kanyang nararamdaman dito. “Kahit anong project, kahit anong movie o teleserye laging may pressure may kaba. Hindi mo alam kung tatanggapin yun ng mga tao, kung anong reaction kasi 1st time ng team-up namin ni Ms. Judy Ann Santos so pressured at nervous pero naniniwala ako sa project na ito kasi bilib ako sa project na ito, ang ganda ng story kasi being with Ms. Judy Ann.”
 
Napakalaki ng paniniwala niya sa proyektong ito pero ang kaba kung paano tatanggapin ng mga manonood ito ang nagdadagdag nerbiyos para sa heart throb. Ayon sa kanya, “I really believe in the project but even if you believe in it hindi mo alam ang magiging reaction ng iba pero I feel confident in this project talaga.