Kathryn Bernardo denies Dominic Roque is courting her

The teen star says she has yet to be formally introduced to the newbie actor.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

8/15/2012 7:07 PM
Kathryn Bernardo denies Dominic Roque is courting her


081512-kathryn-main.jpgNilinaw ni Kathryn Bernardo na hindi totoo ang isyung nililigawan siya ni Dominic Roque.

Sa guesting nito para sa KrisTV nitong Miyerkules, iginiit ni Kathryn na hindi pa nga niya pormal na nakikilala ang baguhang aktor.

"Hindi talaga, hindi po. Hindi pa nga kami formally nagkakakilala," ani Kathryn ng matanong kung totoo bang pinopormahan siya nito. 

Pag-amin naman niya, narinig na nga niya ang di umano ay paghanga sa kanya ni Dominic, isa sa cast ng Aryana.

"Sinabi lang daw po sa isang interview at marami po ang nag-tweets sa akin. Pero never ko po (siya nakilala)."

Ani, Kathryn maliban sa kanyang leading man na si Daniel Padilla, ay wala naman talagang nanliligaw sa kanya ngayon.

"Wala naman pong nanliligaw sa akin. At parang wala din namang ibang vocal na tao kung hindi si DJ lang."

Samantala, nag-react din si Daniel sa nasabing isyu at sinabing mas maganda nga kung hindi na din magkakakilala pa si Dominic at Kathryn.

Ani Daniel, mananatili ang pagtingin niya kay Kathryn at wala ng iba pang babae para sa kanya.

"Wala na pong iba," aniya.