• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay defends Angelica Panganiban over cheating issue

Derek Ramsay defends Angelica Panganiban over cheating issue

The actor comments on Angelica's photo with John Lloyd Cruz.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

8/15/2012 9:57 AM
Derek Ramsay defends Angelica Panganiban over cheating issue


081512-derek-main.jpgNagbigay na sa wakas ng komento ang aktor na si Derek Ramsay sa isyung nagkakamabutihan na ang dati niyang nobya na si Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Sa Twitter, sinabi ni Derek na hindi niya talaga alam kung kumpirmado na ang relasyon ng dalawa pero nakikita naman niyang masaya si Angelica. 

Umapila din si Derek na maging masaya na lang ang mga tao para kay Angelica.

"@pipawlala I don't know if they are together but Angel looks happy. Lets be happy for her," ani Derek sa isa niyang follower na nagtanong tungkol sa larawang ibinahagi ni Angelica sa Instagram kung saan kasama niya si Lloydie.

Nagawa din ni Derek na makiusap sa mga tao na itigil na ang panghuhusga kay Angelica. Aniya, hindi totoong manloloko ang aktres.

"@xzyoume hi! Pls don't be like that. Lets be happy for Angel. She isn't a cheater." 

Matatandaang halos tatlong buwan ang nakakaraan ng maghiwalay si Derek at Angelica.

Sinasabi namang nagsimulang mahulog para sa isa't isa si John Lloyd at Angelica nang mag-shooting sila ng pelikula sa Vietnam.

081512-derek-1.jpg