• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos says her side on the Sarah Geronimo-Gerald Anderson issue

Judy Ann Santos says her side on the Sarah Geronimo-Gerald Anderson issue

Judy Ann Santos says she can relate to what's happening to Sarah and believes that everything has its own time.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/14/2012 2:36 PM
Judy Ann Santos says her side on the Sarah Geronimo-Gerald Anderson issue


081412-juday_main.jpgIsa si Judy Ann Santos sa kakaunting taong pinakamalapit kay Sarah Geronimo sa labas man o sa loob ng show business. Noon pa man hindi iniwan at nawalan ng suporta ang kanyang Ate Judai sa kung anuman ang dinadanas ng Pop Star Princess na halos itinuturing na rin niyang nakababatang kapatid. Sa karera man o sa personal na buhay maasahan na kakampi niya ang kanyang Ate Judai.
 
At sa bagong isyung kinakaharap ni Sarah tungkol sa pag-atras ni Gerald Anderson sa panliligaw kay Sarah, natanong ang Queen of Teleserye kung ano ang tingin niya sa pangyayaring ito at para sa kanya. “You know I really can’t say much about it because hindi ako ang isang tipo ng tao who would actually meddle with someone’s personal feelings pero ako yung kung anuman yung nangyayari baka hind pa ito yung amanag panahon, may tamang panahon naman sa lahat ng bagay baka hindi pa lang ngayon yun, I would always say in God’s perfect timing everything would just fall into place, hindi dapat pilitin, hindi dapat utusan ng kung sinumang mga tao, huwag nating ipressure, kung gusto naman, gusto.
 
Ayon kay Judy Ann hindi niya rin alam ang totoong rason kung bakit nga ba umatras sa panliligaw si Gerald at kung ano ang tunay na rason sa panig rin ni Sarah. “Mahirap din mag-judge ng tao dahil wala naman tayong karapatang humusga ng kung sinong tao. Hayaan natin sila kung ano ang gusto nila sa sarili nila suportahan na lang natin kung ano yung mga proyekto nila kasi yun naman ang binabayaran yung mga proyekto nila, hinid naman pwedeng bayaran ang nararamdaman ng puso.”
 
Kaya naman nang magbiruan dahil sa binitawang mga salitang ito ni Judy Ann na kung hango ba ito sa totoong buhay dahil sa mga napagdaanan na rin niyang mga nakapareha at mga naging ka-love team ang kasunod ding pag-amin ni Judai, “Correct! At saka hindi mo naman pwedeng ilagay ang kontrata sa puso, hindi kasama ang puso sa pagpirma ng kontrata.”
 
Sa lahat ng ito may mensahe din naman nais na iparating si Judai kay Sarah. “Happy lang. see the world, sinabi ko sa kanya ito sa Sarah G (Live) na meron pang ibang mundo maliban sa mundong ginagalawan mo ngayon, kung hinid mo alam ipapakita ko sa iyo maganda, makulay, marami kang pwedeng matutunan at marami ka ding kailangang matutunan na hindi kayang ibigay sa iyo ng taong nagmamahal sa iyo dahil ang lahat ng ito ikaw lang ang pwedeng magbigay sa sarili mo. Hinid ito nabibili, hindi ito nagagawang regalo kasi pansariling kaligayahan ito dahil ikaw lang mismo sa sarili mo ang nakakaalam ng kung ano talagang gusto mo.
 
May hiling din para kay Sarah ang actress. “Ang wish ko lang naman sa kanya now that she is 24 is for her to experience life because life is too short because you really never going to know what’s going to happen. Not that I am telling Sarah na something might happen to you hindi. Magbigay ka ng kaunting oras para sa sarili mo hindi puro trabaho kasi darating yung panahon na mauubos ka ng tarabaho at pag naubos ka ng trabaho ay hindi mo na ulit mapuno ang sarili mo ng panibagong energy kasi ayaw mo na pagod ka na, umay na umay ka na sa nangyayari, yung tenga mo sawa na sa kung anong sinasabing dapat mong gawin, manhid ka na ayaw mo nang makinig so bago ka muna dumating dun magrelax ka muna.”
 
Inamin naman ni Judai na hindi niya personal na kilala ni Gerald, pero para sa kanya isang matapang na bagay ang ikinaharap ng binata noong nililigawan niya pa si Sarah, “With Gerald I am not in a position to judge him kung ano ang pinagdaanan  niya but I salute him you know I am sure his intentions are clean for him to face Sarah’s parents and be brave enough to go to Sarah’s house, nakakabilib”
 
Ngunit naging makahulugan ang mga salitang isinunod niya ditto. “Sadyang may mga bagay lang na hindi mo mahintay ‘di ba? May mga ganun lang pero in time. Hindi lang siguro this year, maybe next year well we don’t know baka kung mas mag-mature sila pareho, bata pa naman sila marami pang pwedeng mangyari baka magmeet muna sila ng ibang mga tao, baka ang gusto ni Lord sa sususnod na meeting nila yung kaya na nilang panindigan ang isa’t isa.”