• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban's “perfect Sunday” with John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban's “perfect Sunday” with John Lloyd Cruz

Is the Instagram photo a hint that the two are an item?

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/13/2012 2:33 PM
Angelica Panganiban's “perfect Sunday” with John Lloyd Cruz


081312-angelica_main.jpgMuli na namang nabulabog ang Internet world nang magpaskil ng photos sa kanyang Instagram ang aktres na si Angelica Panganiban, isang photo collage ay nagpapakita ng tila backyard picnic. Pero ang nakakaagaw-pansin sa nasabing photo collage, ay ang picture na magkasama sila ni John Lloyd Cruz, na for a time now ay nali-link sa kanya.

Kontrobersyal ang dalawa dahil sa kabila ng pagtatapos ng kani-kanilang relasyon—si Angelica kay Derek Ramsay at si John Lloyd kay Shaina Magdayao—walang pag-amin mula sa dalawa hinggil sa isyu at ang recent Instagram photo ang maituturing na closest admission na may ‘something’ sa dalawa.

May caption pa ang photo collage ng “perfect Sunday” sa may taas na bahagi at may isa pa sa bandang ibaba katapat sa litrato nilang dalawa na nagsasabing “according to the guy in pink.” Sa nasabing imahe ay nakasuot ng kulay pink polo si John Lloyd.

Tila masayang masaya rin si Angelica sa kanyang Instagram status na, “Welcome, happiness. Joy, pursued. Welcome everyone. Especially those who are smiling out of warmth.”

Ang nasabing photo ay na-i-post noong Linggo, August 12.