• Home
  • Fresh Scoops
  • Shalani Soledad meets ex-BF Pres. Noynoy Aquino, Kris Aquino

Shalani Soledad meets ex-BF Pres. Noynoy Aquino, Kris Aquino

The city councilor maintains a good relationship with her former boyfriend and his sister.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/12/2012 11:19 PM
Shalani Soledad meets ex-BF Pres. Noynoy Aquino, Kris Aquino


081312-shalani-main.jpgMuling nag-krus ang landas ng dating magkasintahang sina Pres. Noynoy Aquino at Valenzuela Councilor Shalani Soledad. Noong Agosto 9 ay bumisita ang pangulo sa siyudad ng Valenzuela para puntahan ang mga nasalanta ng baha at naroon ang mga opisyal ng nasabing siyudad kabilang na si Shalani.
 
Sa simula ng kanyang speech ay binati agad ni Pres. Noynoy si Shalani dahilan para maghiwayan ang mga naroroon. Sa nakuhaang video ng ABS-CBN News ay nakitang tahimik lamang at nangiti si Shalani sa ginawang pagbati ng pangulo.
 
Sa panayam kay Shalani sinabi nito na nagagalak sila sa pagbisita ng pangulo sa kanilang lugar. “Masarap ‘yung feeling na ‘yung presidente binibisita tayo rito,” ani Shalani, na kasal na ngayon ay Pasig Representative Roman Romulo.
 
Pagsapit naman ng hapon ay dumating naman sa Valenzuela City ang kapatid ni Pres. Noynoy na si Kris Aquino kasama ang dalawa pang artista na sina Angel Locsin at Iza Calzado. Sinalubong sila ng local officials ng lugar kasama na si Shalani.
 
Sa pagbibigay pa ng relief goods ay magkatulong pa sina Shalani at Kris.Very thankful naman si Shalani sa kanila dahil sa halip na magbigay na lang ng tulong ay mas marami ang natuwa sa personal na pakikibahagi nila ng pag-aabot ng relief goods.
 
Tinanong din si Kris kung ie-endorso ba niya sa susunod na eleksyon si Shalani. Sagot ng Queen of All Media, “Ang lakas-lakas niya rito. We would love to repay the kindness she showed and the support. But you can really tell when a local official is well-loved.”
 
Nang tanungin naman si Kris kung papayag ba siyang kuning ninang ni Shalani in the future, natawa si Kris at sinabing awkward daw kung kukunin siyang ninang but she wishes Shalani the best.
 
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Shalani na bukas siya na kuning ninang si Kris kung papayag naman ang actress-host.