Julia Montes says Enchong Dee is boyfriend-material

The young actress reveals the good qualities of Enchong Dee that makes him an ideal boyfriend.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/13/2012 12:28 AM
Julia Montes says Enchong Dee is boyfriend-material


081312-julia-main.jpgKahapon sa The Buzz ay guest ang apat na bidang babae ng pelikulang The Reunion ng Star Cinema na sina Megan Young, Bangs Garcia, Jessy Mendiola at Julia Montes. 
 
Si Julia ang huling tinanong hinggil sa kanyang buhay pag-ibig, lalo na tungkol sa kanyang manliligaw na si Enchong Dee. In seven months ay magiging 18-anyos na si Julia at sinasabing papayagan na siya ng kanyang lola makipagrelasyon.
 
Sa kanilang dalawa ni Enchong, mas vocal ang aktor sa pagsasalita hinggil sa kanyang pagtatangi sa dalaga. Subalit sa The Buzz kahapon ay nagsalita rin ang aktres. “Hindi ko naman sinasabing walang pag-asa kasi ‘yung character naman ni Enchong talagang di mo (pagdududahan) na mabait siya, may pinag-aralan , mabait sa family. Boyfriend-material naman siya,” paniniyak ni Julia.
 
Nang tanungin siya ni Boy Abunda kung may pag-asa ba si Enchong sa kanya, ang natatawa niyang sagot, “May pag-asa ba? May pag-asa.” 
 
Sa hiwalay na interview naman kay Enchong sa nasabi ring episode, sinabi ng aktor na hindi naman daw umano lalalim ang kanilang relasyon kung wala siyang nakitang pag-asa. “Kumbaga, this won’t start anyting kung di ka nagpahiwatig, di ba? And I can wait for seven or even longer than seven months because she’s worth the wait,” aniya na tinutukoy si Julia.
 
Hindi naman agad nakasagot ang aktor nang tanungin siya ni Toni Gonzaga kung mahal na ba niya ang aktres. Katwiran niya, “Kasi kumbaga kasama ‘yun ng continuous na nagu-grow  (ang relationship) eh. Wala pa naman kami sa (estadong) kami na.”