• Home
  • Fresh Scoops
  • Gab Valenciano and Coleen Garcia say they are happy with their relationship

Gab Valenciano and Coleen Garcia say they are happy with their relationship

Although they refuse to admit what's the real status of their relationship, Gab Valenciano and Coleen Garcia are obviously happy together.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/11/2012 9:45 PM
Gab Valenciano and Coleen Garcia say they are happy with their relationship


081212-gab-main.jpgHindi itinatanggi nina Gab Valenciano at Coleen Garcia na they are exclusively dating pero ayaw naman nilang aminin kung sila na ba o hindi. Pero kung anuman daw meron sila ay masaya sila. 

“We go out a lot. To begin with kung itatago namin dapat di kami nagsasama anywhere. Kumbaga bahay lang. Pero I think it’s about time na… I don’t wanna say anything, I don’t wanna put any label to it, all I can say is we’re happy. Lumalabas kami and I think nakikita naman ng mga tao ‘yon,” paliwanag ni Gab.  

Ayaw namang direktang aminin ng dalawa na sila na nga at ang pinakamalapit nilang pag-amin ay ang pagbibiro ni Gab ng, “we’re exclusively each other’s personal belonging.”

Nang tanungin kung nakikita ba nila na magtatagal ang kanilang relasyon, ang sagot ni Coleen, “I wouldn’t be in a relationship naman if I didn’t believe that it was gonna go somehwere and right now I’ve never been happier so I really hope that this is it talaga and I believe this is it.” 

Para naman kay Gab, “Lahat naman tayo when we fall in love or feel for someone di naman ine-expect na let’s give it two months or bigyan natin ng quota. But personally I have also never been happier, not just happier but more secured, inspired, more hardworking. Even ‘yung weaknesses ko nagawan niyang strength so I’m so blessed, not just to have her as we are but as my best friend.” 

Hindi rin importante kay Coleen kung may reputasyon si Gab na babaero dahil aniya, kilala niya bilang tao si Gab kaya alam niya ang totoo. “Normally I’m very careful and maybe  if I didn’t know him well enough, I would have been scared and I would have been hesitant but I’ve known him a long time now. We met two years ago and ever since we’ve been close and I know the real Gab.” 

Sabi naman ni Gab ay tanggap naman niya ang hindi niya masyadong magandang reputasyon pero sinabi niya lahat kay Coleen kung ano talaga siya bilang tao.  “I told her this is me. Lahat ng nangyari masama (at mabuti), I really told her. Either accept me or not. Nung magkaibigan pa kami never kong in-expect na kahit konting percent na magkaka-feelings siya sa akin.”