• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz, Bea Alonzo offer 'most' mature film for 10th anniv

John Lloyd Cruz, Bea Alonzo offer 'most' mature film for 10th anniv

For the 10th year anniversary of their love team, John Lloyd and Bea return on the silver screen for 'The Mistress.'

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

8/11/2012 1:07 AM
John Lloyd Cruz, Bea Alonzo offer 'most' mature film for 10th anniv


081112-bea-main.jpgSa sampung taong pagsasama nila bilang love team, ibinahagi ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na ang kanilang reunion movie project na The Mistress ang maituturing nilang pinaka-daring project na kanilang nagawa.

Ito na siguro ‘yung pinakamatapang na pelikula na ginawa naming dalawa, pinakamatapang. Ang dami kong ginawa rito na hindi ko pa nagagawa dati. So ‘yun, I must say ito ‘yung transition to a more mature me and John Lloyd,” ani Bea sa panayam ng Umagang Kay Ganda na inere nitong Biyernes.

“Daring din ito in an entirely different sense, very mature love story,” dagdag naman ni John Lloyd. 

Ayon pa kay Bea, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang proyekto lalo't nalaman niyang si Olivia Lamasan ang direktor nito.

“I immediately said yes lalo na nang malaman ko na ang magdi-direct ay si ‘Inang’ Olivia Lamasan. Dahil alam ko na maganda plus mabusisi. It turned out si John Lloyd pala ‘yung magiging kapareha ko rito.

Para naman kay John Lloyd, ang The Mistress ang maituturing niyang isa sa handog nila ni Bea para sa ika-10 taong anibersaryo ng kanilang love team.

“We were actually celebrating ten years of being a tandem at magandang pagkakataon sa amin para ma-celebrate ‘yon,” ani John Lloyd. 

Sa pelikula ay makakasama nila John Lloyd at Bea ang mga batikang aktor tulad ni Hilda Koronel na nakabase ngayon sa abroad at umuwi lamang para sa nasabing pelikula.