• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee on rumored falling out with Julia Montes: 'Huwag nating pangunahan na nasisira'

Enchong Dee on rumored falling out with Julia Montes: 'Huwag nating pangunahan na nasisira'

The actor proudly says that he is ready to take his friendship with Julia to the next level.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/1/2012 7:44 PM
Enchong Dee on rumored falling out with Julia Montes: 'Huwag nating pangunahan na nasisira'


080112-enchong-main.jpgMaraming press people ang naantig sa honesty ni Enchong Dee sa press conference ng upcoming Star Cinema movie na The Reunion nang sagutin ng aktor ang hinggil sa isyung may pinagdadaanan umano siya at ang nililigawan niyang si Julia Montes. Coincidentally, magkasama ang dalawa sa pelikulang The Reunion pero hindi sila ang magka-love team. 

Maugong kasi ang mga bali-balitang nagkakalabuan na ang dalawa pero finally ay sinagot na ito ni Enchong. Sinimulan ang pagtatanong sa dalawa nang tanungin ang buong cast kung sino ang mga co-star nila ang gusto nilang makatuluyan. Expectedly, sinabi nina Julia at Enchong na gusto nilang makatuluyan ang isa’t isa. 

Ang sagot ni Enchong kung bakit si Julia ang kanyang napili, “Masaya ako pag kasama ko siya.” 

Nang sundutin ito ng isa pang tanong kung may katotohanan ba ang mga bali-balitang nagkakalabuan na sila, ang tugon ng aktor, “Sayang naman kung ititigil namin kaagad kung wala pa namang nagsisimula. Huwag nating pangunahan na nasisira kasi masaya kami.” 

Hindi naman daw niya minamadali si Julia dahil malinaw sa kanya na kailangan munang tumapak sa edad 18 si Julia bago siya maging ready na magkarelasyon. Si Julia ay 17-anyos ngayon. 

Nakakikilig din ang sagot ni Enchong nang tanungin siya kung handa na ba siyang makipagrelasyon kay Julia pagsapit ng kanyang ika-18 taong gulang.  “Kahit di pa siya 18 handa na ako eh.” 

Nang tanungin si Enchong kung saan sa tingin niya galing ang mga bali-balitang may tampuhan sila ni Julia, sagot niya, “Siguro ‘yun din ‘yung dahilan kung bakit mas maganda pag tahimik lang, hindi sinasabi sa showbiz kasi hindi pa man pinaghihiwalay na kayo. Siguro ini-spice up lang nila kung ano’ng meron kami.”  

Ayaw rin nilang magpaapekto sa mga intriga dahil maaari raw talagang makasama ito sa samahan nila kung magpapadala sila sa mga ito. 

Ayaw rin daw magpaapekto ni Enchong kung anuman ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanila ni Julia. “Hindi mo naman kailangang mahirapan kasi kumbaga hindi naman kasama ang ibang tao sa relasyon n’yo kumbaga kayong dalawa lang naman,” pahayag niya. 

Paglilinaw muli ni Enchong ay wala silang away ni Julia. “Okay kami.” 

Wala raw kasiguraduhan kung sasagutin siya ni Julia subalit alam daw ni Enchong na parte ito ng panliligaw. “Katulad ng pelikula parte ‘yun ng paglaki mo na masasaktan, nagkamali ka. Dun mo maitatama ang mali mo.”