• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto shares her willingness to explore acting further

Angeline Quinto shares her willingness to explore acting further

The singer says she is open to accepting more acting jobs.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/1/2012 8:41 AM
Angeline Quinto shares her willingness to explore acting further


080112-angeline_main.jpgHindi maikakailang malayo na nga ang narating ni Angeline Quinto simula nang manalo ito sa Star Power at sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa show business. Napatunayan niyang wala ito sa tagal o ikli ng panahon ng inilalagi ng isang performer. Marami na ring mga nanalo sa mga talent contest ngunit naging panandalian lamang ang itinagal per si Angeline, pinagsisikapang pangalagaan ang kung ano ang meron siya sa kasalukuyan. Ayon sa kanya, “Unang-una kong ginagawa ngayon lagi akong nagdadasal na sana po huwag pong hayaan ng Diyos kung saan ako galing at maalala ko yung mga taong tumulong sa akin lalo pa nung nag-uumpisa ako at siyempre hanggang ngayon dapat marunong po tayong magtiyaga kahit na sinasabi nila natupad ko na yung mga pangarap ko na dati pinapangarp ko lang pero kahit hanggang ngayon sinasamahan ko pa rin ng pagtitiyaga, hardwork po.”

Dagdag pa ng singer, “Hindi naman po porke’t natupad ko na yung mga pangarap ko hindi na ako mangangarap muli, dapat hindi ka tumitigal sa dreaming at siyempre patuloy po akong nagpapasalamat sa mga taong hanggang ngayon tumutulong na maabot ko yung mga pangarap ko pa.”

At ngayon nga maliban sa pagkanta ay tuloy-tuloy na rin ang pagsabak ni Angeline sa pag-arte. Matapos ang kanyang successful na unang pelikula kasama si Coco Martin, ngayon naman ay pagsabak sa telebisyon via Maalala Mo Kaya ang kanyang pinagtutuunan ng pansin. Mas naging confident na ba siya ngayon sa pag-arte dahil nagkaroon na siya ng pelikula? “Para sa akin po mas minalahal ko ang pag-arte talaga pero siyempre hinid ko pababayaan yung pagkanta ko. Gusto ko pong pagsabayin sana kung bigyan po ako ng chance na maka-arte pa bakit hindi kasi ito rin naman po ang gutso kong gawin noon pa pero siyempre number one priority ko pa rin po ang pagkanta.”

Madalas na nga rin ang pagpunta ni Angeline para magperform at mag-show abroad kaya naman kinamusta din namin siya sa mga sunod-sunod niyang biyahe at ang nakatutuwang sagot ng singer ay, “Sanay na ako sa jet lag. Joke! Kasi tuwing pumupunta ako sa ibang bansa lagi na lang ako umiinom ng sleeping pills kasi talagang takot po ako sa eroplano pero ngayon talagang nasasanay na kaya nageenjoy na po talaga.

Ibinhagi din ng dalaga kung saan-saang bansa na siya nakapunta, “Unang-una napuntahan ko Singapore, tapos US tapos Canada, Europe, Hawaii pero ang pinakagusto ko po yung nag-Europe ako, nakita ko po si Pope sa Vatican kasi nakapag-mass po ako na siya po yung nagmisa sa amin.”

At sa kung may plano ba siyang magbiyahe na walang trabaho, ekslusibo itong ibinahagi ni Angeline sa push.com.ph. “Balak ko pong magbakasyon sana ngayong Decemeber na makasama ko po yung nanay ko at tatay ko sa Canada kasi meron po akong tita doon na matagal na nilang di nakikita e. Nanay ko po hindi pa siya nakakapunta ng ibang bansa. Minsan ko po siyang nasama sa Boracay, yun yung pinakamalayong napuntahan niya nung Holy Week, tapos ngayon yun na rin yung plano ko at pasasalamat ko sa buong taon sa mga blessings na natanggap ko. Tapos magpaparty din po ako sa bahay ng tatay ko sa Las Pinas na parang family reunion yun po para magkita-kita pa rin yung pamilya ko na nasa ibang bansa.”