Ani Richard, hindi raw niya alam kung bakit tinitilian siya ng mga manonood at sinabing hindi nga niya inasahan ang kasikatang kanyang tinatamasa ngayon. “Actually, hindi talaga because like (what) they said, usually nagsa-start ang mga artista bata pa. Medyo late na ako pumasok at hindi ko hinahangad (ang maging sikat). Biglang parang napunta na sa akin ang role, I have no expectations whatsoever.”
Gayunpaman, sinisikap pa rin daw niyang maging normal na tao, lalo na kapag kasama niya ang kanyang pamilya. “We try to act as normal as possible kasi hindi naman sila showbiz talaga. Syempre kailangan masanay ka rin if people want to take pictures with you, parang it’s a way to give back para to make them happy also. Pero medyo naiilang din ako sa attention kasi publicity-shy din ako.”
Masaya naman daw ang kanyang pamilya sa tagumpay niya ngayon. “They were very happy, my kids, they congratulated me pa.”
Nagbigay rin ng quick questions si Toni na malugod namang sinagot ni Richard. Narito ang nasabing portion.
Question: Lights on or lights off?
Richard Yap: Lights on.
Q: Younger or older?
R: Younger.
Q: Mestiza or kayumanggi?
R: Mestiza.
Q: Mahal ka o mahal mo?
R: Pareho. Dapat pantay.
Q: Tahimik o madaldal?
R: Madaldal.
Q: Mayaman na pangit o mahirap na maganda?
R: Basta may itsura (kahit) mayaman (o) mahirap, okay lang. Basta type ko.
Q: Richard or Papa Chen?
R: Okay lang kahit ano.