• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Unlimited's Pamu Pamorada reveals the real score between her and Kevin Fowler

PBB Unlimited's Pamu Pamorada reveals the real score between her and Kevin Fowler

Pamu Pamorada says she would rather let Kevin Fowler confirm if he is courting her.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/6/2012 10:30 AM
PBB Unlimited's Pamu Pamorada reveals the real score between her and Kevin Fowler


070612-pamu_main.jpgSa mga naging panayam sa mga ex-PBB Unlimited Housemates na sina Pamu Pamorada at Kevin Fowler, very open sila sa pag-amin ng paghanga sa isa’t isa na nagsimula sa loob ng bahay ni Kuya. Ani Pamu, “Okay naman po kami ni Kevin. Mas nakikilala po namin yung isa’t isa dito sa labas kasi sa workshop mas nakakasama ko po siya at saka halos araw-araw po kami magkasama, nagkikita sa workshop kaya mas nakikilala namin yung isa’t isa.”

At sa katanungan kung totoo ngang nanliligaw si Kevin sa kanya, “Uhmm, ligaw? Si Kevin na lang po tanungin niyo.

Ngunit kung sakaling manligaw si Kevin, may pag-asa pa ito sa kanya? “Open naman po ako diyan pag dating sa ligaw. Open naman po ako diyan, di naman po ako nagsasara ng pinto. Pero kay Kevin po, okay naman po kami ni Kevin. Friends po kami.”

Marami rin kasi ang nakapagpapatunay na iba na rin talaga kapag naka-labas na ng bahay ni Kuya at mas sa labas nasusubukan ang katatagan ng kahit anong samahan. Nang matanong si Pamu kung ang mga pinakita sa kanya ni Kevin sa loob ng bahay ay ganun pa rin, ang nangingiting sagot ng dalaga, “Ganun pa rin po siya e. Kung ano yung friendship namin sa loob ganun pa rin sa labas. Sweet talaga siya e.”

Ang mga relasyon din ngayon sa showbiz madalas ay nalalaman na lamang na naging mag-on o kaya’y magkarelasyon ang dalawa pag inaming hiwalay na. Nang natanong din ito kay Pamu, aniya, “Hindi naman po siguro po kung magiging kami ni Kevin po. Okay naman po siguro sabihin wala naman pong masama na sabihin sa iba.

Pero sa pagiging vocal ni Kevin sa paghanga niya kay Pamu at sa lagi nilang pagsasama, hindi pa ba itong sapat na senyales na nanliligaw na nga si Kevin sa kanya? “Siguro sa akin, nanliligaw na sa akin si Kevin. Pero siguro kay Kevin niyo na lang itanong kasi sa akin naman po kung ano yung friendship namin sa bahay ganun naman po. Simula nung nasa loob kami ng bahay hanggang ngayon ganun pa rin po walang nagbabago, wala pong nagbago sa kanya.”