Anne Curtis: 'I will never leave my career here'

Anne Curtis is open to making more international movies but clarifies that she will never give up her local showbiz career.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/6/2012 10:42 AM
Anne Curtis: 'I will never leave my career here'


070612-anne_main.jpgKakaiba at magandang karanasan daw para kay Anne Curtis ang ginawa niyang international indie movie abroad at very thankful siya sa pagkakataong iyon. Pagbabalik-tanaw ng aktres, nagbiro lang siya noon na sana ay makagawa siya ng international film. Tila dininig ang kanyang hiling at may dumating na offer.

Kaya naman kung mabibigyan uli ng pagkakataon ay gusto uli niyang magtrabaho abroad at gumawa pa ng international movies. Pero paglilinaw niya, hindi niya ipagpapalit ang career niya dito sa Pilipinas.

“I will never leave my career here, [that’s] for sure,” simula ni Anne at the Yes Magazine’s 100 Most Beautiful Stars event kung saan siya ang cover ng nasabing isyu. “I love what I’m doing here. Hindi naman ako tatanggapin na singer do’n no, so happy ako dito. Tanggap ako na singer dito and I love Showtime so much. I love all my fellow artista in the Philippines.

“I will never give up what I have here, but you know, being able to work there and see how they ano… I’m open, going there and auditioning for stuff, but not in leaving my career [here].”

Nang kinumusta naman ang taping para sa kanyang upcoming teleserye with Kris Aquino at Robin Padilla, sinabi ni Anne na maayos naman. Perfect timing din niyang maituturing dahil nang pumunta raw siya sa ibang bansa para gumawa ng international movie ay saktong mawawala muna ang karakter niya sa teleserye.

Aalis talaga ang character ko [sa teleserye] kasi kailangan. ‘Yun talaga ang story para ma-develop ‘yung Kris-Robin (love) angle. Ang storya kunwari aalis ka and it just so happen na aalis talaga ako. Perfect timing,” natutuwa niyang pahayag.

Apart from her successful career, Anne’s love life is also very much intact. It’s public knowledge na mag-on sila ni Erwann Heussaff pero nagagawa pa rin itong gawing private ni Anne. Sinasabi nga ay bihira sa showbiz ang artista na may magandang career at magandang buhay pag-ibig.

“I think it’s all about knowing how to manage goals. Don’t make either [of the two] your whole life, [dapat] may time management,” payo niya. “Merong time sa love life, may time for work na hindi mo nakakalimutan o napapabayaan ang isa. And loving what you do and loving what you have.”

Matagumpay ang career ni Anne last year pero hindi raw niya inaasahan na patuloy ang “pagbongga” nito ngayong taon. “I really didn’t expect kasi [you should] never expect, but hope things will come your way. Basta hope and dream and have a goal,” pagbabahagi ng aktres. “I think it’s very important as a person [that] you have personal goal you have to achieve. Huwag kang maging kampante kung anong meron ka kasi it could disappear like that. So I believe you should keep on working on yourself. Kung ano’ng gusto mong i-achieve na goals, [matuto] ka. Hindi naman lahat given to you on a silver platter and you have to work so hard and it wasn’t an easy climb for me to get here.”