• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann on Albie Casiño dating again: 'I don't care!'

Andi Eigenmann on Albie Casiño dating again: 'I don't care!'

Andi Eigenmann says that she has moved on from her past relationship with Albie Casiño.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/7/2012 2:07 AM
Andi Eigenmann on Albie Casiño dating again: 'I don't care!'


070712-andi-main.jpgTila hindi apektado si Andi Eigenmann sa isyung may bago na raw idini-date ngayon ang kanyang dating boyfriend na si Albie Casiño. May nakakita kasi umano kay Albie sa isang event na may ka-holding hands na girl.

“Good for him!” mabilis na sagot ni Andi at the press conference of Kahit Puso’y Masugatan kung saan makakasama niya sina Iza Calzado, Jake Cuenca at Gabby Concepcion na magsisimula na ngayong July 9 sa primetime bida.

Dugtong pa ni Andi, “I don’t know how to say it pero I don’t care. I don’t know how I can say it na hindi iisipin ng tao na naman na bitter ako at hindi pa nakaka-move on. I’ve moved on and I’ve had a boyfriend after him na.”

Consistent sa pagsasabi ang aktres na kung sakaling lumapit si Albie at gusto niyang makita si Ellie, anak ni Andi at ang ama umano ay si Albie, hindi ito ipagkakait ni Andi dahil karapatan daw ng kanyang anak na makilala ang ama nito.

Sa ngayon daw ay single si Andi pero inamin niyang patuloy ang komunikasyon nila ni Jake Ejercito, anak ng dating pangulong Joseph Estrada na minsan ding naituro na ama ni Ellie noon.

“Jake is in London studying, but we never fail to keep in touch. Nag-aaral siya habang ako nagtatrabaho. I don’t have a boyfriend, I’m still single. I’m single but I still get to talk to him. We still tell each other secrets, we still keep in touch,” pahayag ni Andi.

Kuntento naman ngayon ang aktres sa nangyayari sa kanyang career. Nagsisilbing comeback project niya ang Kahit Puso’y Masugatan. “Andami ko na pong napagdaanan, andami na pong nangyari sa buhay ko na hindi ko na po inisip na may karapatan pa ako na humangad ng ganito kalaking opportunity sa showbiz. Kasi may baby na ako pero napakasaya ko po kasi ‘di po nila ako jinudge negatively, tinanggap pa rin nila ako nang buong-buo. Nagtiwala sila sa kakayahan ko. Dahil naniniwala sila sa akin ay mas kailangan ko pong patunayan ang sarili ko at i-prove na talaga pong hindi sila nagkamali na binigyan nila ako ng second chance.”

Marami rin daw ang nagsasabi sa kanya na lumalim na rin daw ang pag-arte niya dahil na rin sa kanyang mga pinagdaanan. “Other people have been complimenting me, saying that mas lalong tumatagos sa puso nila, mas may pinaghuhugutan ang acting ko at humusay daw ako according to other people.

Kahit di ganon kabigat ang eksena ay nararamdaman pa rin daw nila, which I’m really, really happy and thankful for. After every rain comes a rainbow, andami ko na pong beses na nasaktan at maraming napagdaanan na di masyadong masaya pero I got better opportunities and other things that I’m really, really happy about.”