Dolphy suffers from pneumonia anew

The Comedy King remains in the Makati Medical Center's ICU.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

7/5/2012 9:35 AM
Dolphy suffers from pneumonia anew


070512-dolphy-main.jpgNananatili pa din sa intensive care unit ang Hari ng Komedya na si Dolphy dahil sa pagkakaroon muli nito ng pneumonia.

Sa pinakahuling medical bulletin para sa kondisyon ni Dolphy, masaya ang mga doktor na nabasawan na ang impeksyon sa kawatan ng King of Comedy pero muli na naman itong tinamaan ng pneumonia.

Matatandaang ang pneumonia ang dahilan ng pagkaka-opsital ng aktor mula pa noong nakaraang bawan na mas pinalala pa ng chronic obstructive pulmonary disease na nagpapahirap sa paghinga nito.

Pero para sa pamilya Quizon, isang himala at magandang biyaya na patuloy pa din nilang nakakasama si Dolphy.

"Paborito ko lang yung ano when he recognized me and I said 'I love you' and  he said 'I love you' back. It's three words no  volume but I heard it so loud," ani Ronnie Quizon, isa sa 18 anak ng Hari ng Komedya sa panayam nito sa TV Patrol nitong Miyerkules.

Relieve the music of Dolphy :
Handog Ni Pidol (A Lifetime of Music and Laughter) - Doplhy
The Best of Dolphy and Panchito - Dolphy & Panchito