• Home
  • Fresh Scoops
  • Khalil Ramos admits feeling more pressure because of Princess and I's high ratings

Khalil Ramos admits feeling more pressure because of Princess and I's high ratings

Khalil Ramos is overwhelmed with all the blessings he has received since he started acting in 'Princess and I.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/4/2012 9:25 AM
Khalil Ramos admits feeling more pressure because of Princess and I's high ratings


070412-khalil_main.jpgSa naging album launch ng Princess and I album, nakausap ng Push.com.ph si Khalil Ramos na abot-abot ang kanyang pasasalamat sa napakataas na ratings ng teleseryeng Princess and I. Ayon kay Khalil, “Sa akin po I am just really, really thankful that God gave me this blessing and I am really overwhelmed. I call it like overwhelming joy and I am really thankful now na patuloy na yung pagtaas yung ratings. We had 40.6 kaya super happy po kasi hindi lahat binibigyan ng break at ganito kaagad kataas yung ratings now so for my first teleserye I am really speechless and I am really just thankful now.”

Natanong ng Push si Khalil kung sumagi ba sa isip niya na magiging ganitong kalaki at kalakas ang serye. “Well given naman na maraming fans sina Kat (Bernardo), DJ (Daniel Padilla) at Enrique (Gil) pero hindi ko inexpect na pati sila hindi nila inexpect na after two months sobrang taas ng ratings so kami we are shocked at ako dahil this is really my first experience with acting.”

Inamin din ng binata na mas tumindi ang pressure na nararamdaman nila ngayon dahil sa lakas ng Princess and I. “Definitely may pressure to sustain. Kami naman we do our 101% in everything we do so focus kami pagdating sa set hanggang take na so 101% in everything, lahat.

Sa nilabas na Official Soundtrack ng Princess and I, kinanta ni Kahlil dito ang “Kung Ako Ba Siya?” at ang kantang “Gusto Kita” kung saan kasama niya sina Enrique Gil at Daniel Padilla. Kaya naman nang magkabiruan kung nakakarelate ba siya sa mga kantang ito.“Of course naman sa school. Yeah, yeah lalo na yung, ‘Kung ako ba siya.’ Talagang maraming nakakarelate kasi yun yung unrequited love sa best friend so nakakatuwa.”

At kung may malapit ba siyang naging karanasan nito sa totoong buhay, “Yung ‘Kung Ako Ba Siya’ maybe sa buhay ko wala, pero kay Kiko para kay Mikay (Kathryn Bernardo) talaga.” At sa kantang “Gusto Kita,” “Siguro you can say na kanta naming tatlo yun para kay Kathryn yun.” At nang siniguro ng Push ang kanyang sagot na kay Kathryn ba o sa karakter niya na si Mikay ang kanta, ang maintrigang siniguradong sagot ni Khalil, “Si Kathryn.”