• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo says she feels that Daniel Padilla is sincere in his intentions for her

Kathryn Bernardo says she feels that Daniel Padilla is sincere in his intentions for her

Kathryn Bernardo reveals that Daniel Padilla is a real gentleman when you get to know him.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/4/2012 9:35 AM
Kathryn Bernardo says she feels that Daniel Padilla is sincere in his intentions for her


070412-kathryn_main.jpgPatuloy ang pag-arangkada ng ratings ng teleseryeng Princess And I dahil na rin sa patuloy na pagsuporta ng mga fans sa main stars na sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla. Subalit sa lahat ng love teams, walang duda na ang team-up nina Kathryn at Daniel ang sobrang tinututukan ng mga manonood. Kaya naman marami pa rin ang umaasa na sana nga ay maging totohanan na ang pagtitinginan ng dalawa.

Siguro masasabi ko na pinaka-best friend ko si DJ (palayaw ni Daniel),” consistent pa ring sagot ni Kathryn sa isang recent interview. “Lahat sila close ko pero sa mga guys [si Daniel ang] parating andyan at aalagaan ka, so very special friend.”

Hindi rin maitatangging sobrang vocal si Daniel sa kanyang pagtatangi kay Kathryn. May mga kritikong nagsasabi na promo lang daw ito para i-promote ang kanilang love team, pero ipinagtanggol naman siya ni Kathryn.

“At first nagulat ako kasi hindi naman lahat ng guys ganun ka-vocal, katulad ni DJ. Kung anong nararamdaman sasabihin sa interview [or] kahit kanino. Pero nakakatuwa kasi nakikita mo kay DJ na hindi naman siya ‘yung nambobola. Nakikita naman natin na sincere naman siya, so ako naman siyempre bilang babae nakaka-flatter na may naga-admire sa ‘yo na lalaki at nakikita mo na tini-treat ka niya nang maayos. Parang respeto rin sa akin ‘yon. Feeling ko naman honest naman po… sana,” dagdag niya.

Isa pa sa mga nagustuhan ni Kathryn kay Daniel ay ang ugali nitong aayusin agad kapag mayroong ‘di pagkakaunawaan sa isang tao. “Gusto niya pag-usapan agad, kahit kanino, kahit sa kaibigan.”

Dahil mas malalim na rin ang pagkakakilala niya kay Daniel, ipinaliwanag ni Kathryn na mali ang pagkakakilala ng ibang tao sa mga Padilla na karaniwan ay chick boy. “At first ‘yun ang impression ko sa kanila [pag] Padilla, playboy o maangas, pero pag nakilala mo sila parang opposite. Sila ang very caring, parang panlabas lang ‘yung hard type, pero pag nakilala mo very mabait talaga sila.

Ikinatutuwa rin ni Kathryn ang naunang sinabi ni Daniel na tatapusin niya sa pagkakaroon ng di kanais-nais na reputasyon ng mga Padilla. “Mabuti ‘yon kung ganon. Sabi nga ni Tito Rommel (Padilla, ama ni Daniel) sa TV, parang ayaw nilang pagdaanan ni DJ ‘yung napagdaanan nila, so makikita mo sa kanya na hindi magiging playboy or chick boy.”

Samantala, hindi pa rin babaliin ni Kathryn ang kanyang resolusyon na hindi muna niya pagtutuunan ng pansin ang kanyang buhay-pag-ibig. “Kahit sino naman na nasa posisyon ko ngayon ipa-priority mo pa rin ang career mo. Pero siyempre nakakatuwa na may naga-admire sa ‘yo ng mga tao and kung willing talaga silang maghintay until the right time dun natin makikita kung ano na mangyayari.