Zsa Zsa goes back to work after Dolphy's death

The Divine Diva announces in her Twitter account that she's shooting for a movie and returning to ASAP this Sunday.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

7/31/2012 9:40 AM
Zsa Zsa goes back to work after Dolphy's death


073112-zsa-zsa-main.jpgDahan-dahan nang bumabangon mula sa kalungkutan ang Divine Diva Zsa Zsa Padilla, ilang linggo matapos pumanaw ang kanyang long-time partner na si King of Comedy Dolphy.
 
Sa Twitter, sinabi ni Zsa Zsa na kailangang magsimulang humakbang para muling bumangon at gawin ang itinadhana para sa kanya.
 
"Baby steps. Don’t be afraid to keep moving on, For what was before, now has gone, God wants to accomplish so," ani Zsa Zsa na nag-post din ng kanyang larawan nang pagbabalik niya sa gym.
 
"Everyday, I cry a little... but I always try to laugh a little harder," dagdag pa nito.
 
Kasabay nito, nagsimula na ding bumalik sa paggawa ng pelikulang "I Doo Bidoo" si Zsa Zsa kung saan kasama niya ang kaibigang si Gary Valenciano.
 
"Good morning! It's my first day of work. On my way to the set of #idobidobidoo Our location is 2 hours away and we barely have signal. Ingat."
 
Para sa tuloy tuloy na pagharap sa buhay, inihayag din ni Zsa Zsa na babalik na siya sa pag-awit sa ASAP itong darating na Linggo, kasama ang anak nila ni Dolphy na si Zia.
 
'Next Sunday with Zia @ziaquizon RT @ramcruz26 Hi Zha, how r u doin'? When r u coming back to ASAP? God Bless!," ani Zsa Zsa.
 
Matatandaang ilang taong sinubok ang pag-iibigan nila Dolphy at Zsa Zsa. Maliban kay Zia, mayroon pa silang isang anak na pinangalanan nilang Nicole.
 
Matapos ang halos dalawang buwang pagkaka-ospital, pumanaw si Dolphy sa edad na 83 dahil na din sa multiple organ failure na dulot ng pneumonia at chronic obstructive pulmonary disease.
 
Noong July 15, inilagak na sa kanyang huling hantungan si Dolphy sa The Heritage Park sa Taguig.