Teen actor 'nililigawan' ni newbie teen actress?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

7/31/2012 3:58 PM
Teen actor 'nililigawan' ni newbie teen actress?


073112-blinditem.jpg

Kakaiba na talaga ang mga kabataan ngayon at ano itong nabalitaan namin na very forward itong si newbie teen actress sa pag-ask out sa isang date kay teen actor? 

Yes you heard it right, si girl ang very pursigido kay boy dahil noon pa lamang ay mukhang crush niya na ito. Nakakagulat lang is marami nang admirers itong si teen actress na nagkakandarapa sa kanya pero mukhang mas gusto nito na maging close kay teen actor at laging sinesendan pa daw nito ng mga sweet text messages. 

Pero teka, ang balita noon ay may gf na din itong is teen actor na naka-love team niya sa isang show dati at bakit mukhang ok lang sa kanya na 'nililigawan' siya ni teen actress? 

Hmm, kukurutin ko sa singit ang mga batang ito eh at puro love ang nasa isip ke babata pa. Di ako inggit no!