• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli says 'everything is good' between him and Maja Salvador

Matteo Guidicelli says 'everything is good' between him and Maja Salvador

When asked about the status of their relationship, Matteo replied that they are friends.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/31/2012 9:38 AM
Matteo Guidicelli says 'everything is good' between him and Maja Salvador


073112-matteo_main.jpgMarami ang nakakapansin sa ibang look ni Matteo ngayon. From being a mestizo ay very tan ang kulay ng aktor at halatang nabawasan ang kanyang timbang. Aminado naman ang binata na mas marami pa rin daw ang nagsasabing mas gusto nila ang hitsura niya before. “Marami naman ang nagsasabi na mas bagay ang maputi (sa akin). I’m just doing it for my sports, sa performance ko,” paliwanag ni Matteo na matagal nang nagti-training para sa triathlon nang makapanayam namin noong Linggo, July 29 sa Star Magic Games 2012. Aniya,  higit pa sa pagiging banidoso, mas gusto niyang gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya gaya ng pagiging triathlete.
Paglilinaw pa niya, “This is the healthiest I’ve ever felt. I’m very fit now. I’ve never been this fit and very healthy (before).”

Pansamantala ay itinigil muna nila ang taping ng Isla na pagbibidahan niya kasama sina Jessy Mendiola, Jewel Mische at Matt Evans. Magandang timing daw ito kaya sinamantala niya ang pagkakataon para mag-train, lalo pa’t nalalapit na ang Ironman, isang matinding triathlon race.  Kuwento ni Matteo, ang triathlon ay kinabibilangan ng swimming ng dalawang kilometro, 99 kilometers of biking at 21 kilometers ng running sa loob ng limang oras.

Tinanong ng Push.com.ph kay Matteo kung paano niya nagagawang pagsabayin ang career at ang training na parehong nangangailangan ng oras at effort. “Basically it’s really time management. I tape every other day but I’m very lucky these past weeks. Walang taping so todo concentrate sa training,” aniya.

Samantala, tinanong kay Matteo kung bakit hindi dumalo ang kanyang girlfriend na si Maja Salvador sa Star Magic Games 2012. Usap-usapan ngayon na hiwalay na raw ang dalawa, lalo pa kung pagbabasehan ang mga latest tweets ng aktres na tila may pinagdadaanan at tila broken-hearted. Tanging sagot ni Matteo ay baka dadaan ang aktres, subalit natapos ang event na hindi namataan si Maja. Iniwasan rin niya ang tanong kung maayos naman ang lahat sa kanilang dalawa. “Masaya ang Star Magic Games. Ha-ha-ha-ha. Masaya tayo dito,” paiwas niyang sagot.

Nang itanong ulit sa kanya kung maayos ba sila ni Maja, ang maiksi subalit malaman niyang sagot, “Yeah, we’re friends, everything is good.”