• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby is confident that his chemistry Judy Ann Santos will work

Sam Milby is confident that his chemistry Judy Ann Santos will work

Sam Milby says that it is very comfortable to work with Judy Ann Santos so he is sure that they can have chemistry onscreen.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/3/2012 11:42 AM
Sam Milby is confident that his chemistry Judy Ann Santos will work


070312-sam_main.jpgSa ngayon daw ay hinihintay na lang nina Sam Milby ang go-signal para simulan ang taping ng upcoming teleserye nilang Against All Odds with Judy Ann Santos and KC Concepcion.

Nagpromo-shoot na kami, happy ako kasi ipinalabas sa trade launch at maraming good feedback. I know it’s a good project. Ang ganda ng story, syempre first time ko with Ms. Judy Ann Santos,” may kumpiyansang pahayag ng Fil-Am actor.

Masasabing kontrobersyal ang teleserye dahil matatandaang hindi pumayag ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo na makatambal niya si Sam, subalit ipinaglaban umano ito ni Juday kaya’t later on ay pumayag na rin si Tito Alfie. “Sobrang blessed ako. [For someone] of that stature, established, ang galing talaga and for her to want to do a project with me, grabe talaga! I can’t explain how blessed I am for her to want to do a project with me and I want to thank her for everything. And [let her know] how excited I am to do this project.”

Itinanong naman ng Push.com.ph kay Sam kung worried ba siya kung magkakaroon ng chemistry between him and Juday dahil sila ang magka-love-team. Ani Sam, dahil sa madaling katrabaho ang aktres ay alam niyang  makikita sa camera ang good working relationship nila. “We already shot the trailer and I think si Judy Ann kahit sino ang ka-partner niya, it doesn’t matter. Magsa-shine [ang ka-partner niya]. She’s so good, so easy to work with. Nagulat ako when we were shooting the trailer. Siyempre first time. She’s so easy to work with talaga and she’s so magaling talaga. Even the teaser pa lang, grabe tinreat niya lahat ng staff and actors to pizza. Magaan talaga ang trabaho at sa pakiramdam.

Comeback project din ito for him and Juday. After his auditions sa US for some months, ito ang muling paggawa ni Sam ng teleserye. Ito naman ang muling pagbabalik-teleserye ni Juday matapos niyang manganak. Nakakaramdam ba ng pressure si Sam? “There’s always pressure in any project, hindi mo alam kung anong mangyayari. Kahit confident ka na, magaling ang palabas. You just never know ang reaction ng tao, lalo na sa movie, kasi sa movie people are paying to watch. With teleserye, it’s the same thing, it’s still pressure.

“But for me it’s less pressure for the fact na alam ko kasama ko ‘yung sobrang mahusay, na magaling na aktres. And powerhouse [cast] talaga. But with Judy Ann Santos it gives me more confidence not only because I’m doing a project with her, but because alam kong marami akong matututunan from her. But it’s also pressure because it’s our first time to work together. Not that I’m worried. If we’re able to work together, I know we can and we definitely be able to, but alam mo sa Pilipinas, uso ang mga love-teams.”