• Home
  • Fresh Scoops
  • Myrtle Sarrosa is not sure of who she likes between Kit Thompson and Yves Flores

Myrtle Sarrosa is not sure of who she likes between Kit Thompson and Yves Flores

The PBB Teen Edition 4 Big Winner says the two boys are close to her.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/29/2012 11:02 PM
Myrtle Sarrosa is not sure of who she likes between Kit Thompson and Yves Flores


073012-myrtle-main.jpgNabibigyan na ngayon ng opportunity sa showbiz ang kontrobersyal na love trio ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 housemates na sina Kit Thompson, Yves Flores at ang Big Winner na si Myrtle Sarrosa. Isa sa mga naging interesting angle ng katatapos na PBB ay ang romantic involvement ni Myrtle kay Kit at nang ma-evict ito ay na-link naman ang cosplayer kay Yves. 

Matapos ma-evict ni Kit ay ipinasok siya sa teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan at ngayon ay latest addition sina Myrtle at Yves sa nasabing teleserye. Sa The Buzz kahapon ay kinumpirma ng tatlo na magkakaroon sila ng love-triangle. 

Inihayag ng The Buzz host na si Toni na si Myrtle ang paborito umano ni Direk Wenn Deramas sa PBB kaya gumastos umano ang direktor para i-vote to save si Myrtle. Ikinatuwa naman ito ni Myrtle. “Nung narinig ko po ‘yon na-shock po ako at napaka-thankful ko po sa kanya. Gusto ko na nga po siyang ma-meet po,” sabi niya. Gagampanan daw ni Myrtle ang role ni Katherine sa pagpasok niya sa teleserye. Isa raw siyang cosplayer dito na may lihim.  

Marami naman daw natututunan si Kit sa unang pagsabak niya sa pag-arte. Thankful nga siya sa kanyang mga co-stars para maging mahusay siyang artista. “Natuturuan po nila ako. Malaking tulong po sila sa akin dahil newcomer po ako, sobra po nilang natuturo sa akin ang mga di ko alam na bagay (lalo na pagdating sa pag-arte),” ani Kit.  
Inamin din ni Kit na nakaka-text niya ang nanay ni Myrtle. “Di naman po lagi pero nagkaka-text kami minsan. Kinukumusta niya po ako,” dagdag niya. 

Samantala, inamin din ni Yves na nagkaka-text din sila minsan ng ina ni Myrtle. Pinaninindigan din ni Yves na kung ano ang pagtingin niya kay Myrtle sa loob ng bahay ay hindi ‘yon nagbago pagdating nila sa outside world. Gagampanan ni Yves ang papel ni Mico na kaibigan ng role ni Myrtle.  

Gayunpaman, sa kabila ng pagbibigay ng atensyon ng dalawang lalaki sa kanya ay mas focused ngayon si Myrtle sa kanyang career at kaibigan muna ang trato niya kina Yves at Kit. “Friends pa rin po kami. Importante po talaga sa akin ang opportunities, (the) same with Kit at Yves, ‘yun din ang important sa kanila.”  

Nang direktang tanungin ni Toni si Myrtle kung sino sa dalawang binata ang mas nakalalamang sa kanya, ang direkta niyang sagot, “Honestly, pareho po silang close sa akin in different ways.” 

Nang tanungin pa ni Toni kung sino sa kanilang dalawa ang mas nakakalamang, ang prangkang sagot ni Myrtle, “Wala pa po.”