• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks on boyfriend Paul Jake Castillo: 'He likes me the way I am.'

Melissa Ricks on boyfriend Paul Jake Castillo: 'He likes me the way I am.'

The actress shares all the things that made her fall in love with boyfriend Paul Jake Castillo.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/29/2012 1:08 AM
Melissa Ricks on boyfriend Paul Jake Castillo: 'He likes me the way I am.'


072912-melissa-main.jpg“Everything is good. I’m happy with my career, with my love-life, with my family. Masaya naman po ako, there is nothing more I can ask for this year,” masayang bungad ni Melissa Ricks nang kamustahin namin siya.

“Last year was bumpy, but this year sobra-sobra na ‘yung blessings na ibinibigay sa akin so thankful ako sa ABS-CBN and Star Magic dahil di nila kami pinabayaan.” Currently, kasama si Melissa sa primetime hit na teleseryeng Walang Hanggan. Masaya rin ang kanyang love-life dahil in a relationship siya with Paul Jake Castillo.

Pagbubunyag ni Mel magsi-six months na sila ng kanyang boyfriend at very quiet ang kanilang relasyon at walang intriga. “We don’t want to overrate it, we enjoy each other’s company. We are going out but we don’t want naman na high profile na ang gulo-gulo.”

Nang tanungin siya kung ano ang nagustuhan niya kay Paul Jake, ang sagot ni Melissa, “He’s interesting, he’s very well-educated. Masarap siyang kausap.

Maganda raw ang impluwensiya ni Paul Jake sa kanya. “He encourages me and alam ko na mahal niya ako, for just being me. Hindi niya sinasabi na you’re too mataba, you’re too payat, you’re too revealing. Di siya nakikialam. He likes me the way I am. Ayaw niya na may make-up ako. He’s a normal person and di ako takot na i-please siya kasi he’s already happy and I’m happy just the way it is, kaya sarap ng feeling na ganon, di ka napi-pressure.”

Para raw talaga magtagal ang isang relasyon, kailangan daw ng maraming patience, gaya ng sitwasyon nila ni Paul Jake. “Ako, five times a week akong nagti-taping for Walang Hanggan.” Malaking advantage rin daw na nauunawaan ni Paul Jake ang sitwasyon ni Melissa dahil nag-aartista rin ang former Pinoy Big Brother housemate.

Matatandaang naging malaking isyu a few years back ang paghihiwalay nina Melissa at Jake Cuenca at ani Melissa, ang pangyayaring iyon ay nagturo sa kanya ng maraming bagay. “I’ve grown so much as a person. Whatever happened to me before, it made me realize a lot of things about myself. Maybe you can take risk and you should know who you should trust and appreciate that you have family and friends around you and maraming nagmamahal sa’yo, sumusuporta sa ‘yo. Just be happy.”