• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo shares she was star struck and nervous working with Gretchen Barretto

Kathryn Bernardo shares she was star struck and nervous working with Gretchen Barretto

The 'Princess and I' star says she is now comfortable around 'Ashi Behati.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/29/2012 12:43 AM
Kathryn Bernardo shares she was star struck and nervous working with Gretchen Barretto


072912-kathryn-main.jpgSulit daw ang pagod nina Kathryn Bernardo nang malaman nilang tumataas na ang ratings ng Princess And I. “Masaya tapos nung nalaman namin na nag-40 (percent sa ratings), nagulat kami kasi wala pa naman kami dun sa pinaka-climax ng story. So very happy kami kasi na-reach namin ang ganun kataas and ginagawa namin lahat para abangan gabi-gabi at yakapin (ng mga manonood) ang show,” kuwento ni Kathryn.  

Dahil pumapangalawa na ngayon ang Princess And I sa pinaka-pinapanood na teleserye sa primetime bida, naitanong sa primetime princess kung dagdag pressure ba ito sa kanila. “Sa amin naman hindi namin gino-goal na gusto naming maging number one kasi happy naman kami sa kung ano’ng meron kami ngayon. Kung mag-number one, eh di happy. Ngayon happy na kami."

Sa kung ano ang susunod na aabangan ng mga viewers sa kanilang teleserye, pagbabahagi ni Kathryn, “Siyempre papalapit nang papalapit ‘yung time na malalaman niya na princess siya and of course ‘yung mga scenes ko with Miss Gretchen Barretto mas madami na ngayon at ang tatlong boys (Enrique Gil, Khalil Ramos at Daniel Padilla) na iba-iba ang atake at kung sino ang magugustuhan ni Mikay.”

Nang kamustahin ang pagkakaibigan nila ni Gretchen, sinabi ni Kathryn na nagiging komportable na sila sa isa’t isa. “At first talaga super kinabahan ako kasi nung sa Bhutan kami parang one scene lang ‘yon. After ilang weeks dito na kami nagka-scene, super kinabahan (pa rin ako) pero after matapos ‘yung scenes na ‘yon okay naman pala (siya). Nakaka-star struck ‘pag nakikita mo lahat kami sa set, wow, super ganda niya talaga pero very cool lang siya sa set. Gusto niya happy lahat.”

Mas tumitibay rin ang pagkakaibigan ni Kathryn sa kanyang tatlong leading men dahil nagiging komportable raw sila sa isa’t isa.  “Iba-iba silang tatlo pero pag kami-kami ang magkakasama sa isang tent, super saya talaga, para kaming magbabarkada. Siguro ‘yung personality naming apat nagkaka-jive din lahat so happy naman.”