• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga on rumors that she and BF Direk Paul Soriano broke up: 'Sanay na'

Toni Gonzaga on rumors that she and BF Direk Paul Soriano broke up: 'Sanay na'

Amidst persistent rumors that she and boyfriend Direk Paul Soriano have broken up, Toni Gonzaga says that their relationship is going stronger.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/28/2012 12:50 AM
Toni Gonzaga on rumors that she and BF Direk Paul Soriano broke up: 'Sanay na'


072812-toni-main.jpgHindi na nagulat si Toni Gonzaga nang itanong sa kanya kamakailan ang mga lumalabas na isyung nagkahiwalay na umano sila ng kanyang long-time boyfriend na si Direk Paul Soriano. “Andami ngang nagti-text sa akin, kahit si Mamang (Pokwang). Nag-text siya sa akin, nabasa raw niya sa Twitter na marami nga raw ang nagtatanong sa kanya,” pagbabahagi ng actress-singer-host. “Hindi ko nga alam kung bakit, siguro dahil tahimik (ang relasyon namin), dahil walang masyadong issue kaya akala nila (naghiwalay na kami). Tsaka siguro dahil uso ang hiwalayan lately, kaya siguro akala nila sunud-sunod, domino effect (sa ibang relasyon).” 

Naitanong nga din kay Toni na baka nagkaroon sila ng matinding tampuhan ni Direk Paul recently kaya ang akala ng iba ay nauwi ito sa hiwalayan. “Wala, di ko alam. I think nasanay na kayo d’yan na halos every year or every two years may issue ng hiwalay. Kung di hiwalay, may third party siya. Nalalampasan naman sa awa ng Diyos, ‘yung mga ganong isyu,” paliwanag ni Toni. 

Inamin naman ni Toni na nagkakaroon din naman sila ng mga tampuhan ni  Direk Paul, pero normal na bahagi naman iyon ng halos lahat ng relasyon. “Mga normal na bagay (ang nagiging dahilan ng tampuhan namin gaya ng) oras, panahon, schedule, tsaka maliliit na bagay. Hindi siguro mawawala ‘yun sa relasyon na hindi magkaroon ng hindi pagkakaintindihan, so sanay na. I think it’s a matter of working hard for it to work, so it’s a work in progress.” 

Nang maitanong sa kanya kung ano ang naging reaksyon ni Direk Paul sa mga hiwalayan issues, ang mabilis na sagot ni Toni, “Sanay na. Noong una ‘yung second year na-hurt siya na bakit gusto ng mga tao na mag-break (kami). Sabi ko ganito talaga sa industriya, masanay na lang tayo. I think it saved us a lot of heartaches and pains when we started ignoring those issues. Ngayon wala na. Manhid na. Marunong na. Nai-briefing na rin naman nang tama.”  

Isa pa, kung totoo man daw na may hiwalayang nangyari ay hindi iyon itatanggi ni Toni. “Hindi rin naman ako ‘yung taong ma-deny. Hindi ko rin naman naging nature na mag-deny pa. Para ano pa? Mahirap sa posisyon ko (ang mag-deny) kasi nagho-host ako ng showbiz-oriented show. Mahirap mag-open up sa akin ang ini-interview kung ako mismo ay hindi rin totoo sa kanila.” 

Hindi na rin daw isyu kay Direk Paul ang selosan ngayon. Ani Toni, “First year lang naging isyu ‘yon, dating dati pa, pero ngayon nakalimang taon na, (so) nag-grow na. Ako hindi ko alam kung bakit ako ganito pero 'di ako selosang babae. Kampante rin naman sa fez (face). Minsan isyu ‘yun eh,  'di ako nagseselos.”