Have Maja Salvador and Matteo Guidicelli called it quits?

Maja Salvador's heartbreak posts on a social networking site fuel speculations about her alleged breakup with Matteo Guidicelli.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

7/28/2012 12:53 AM
Have Maja Salvador and Matteo Guidicelli called it quits?


072812-maja-main.jpgParang kailan lang nang ibahagi sa Push.com.ph ni Maja Salvador na isang paraan upang magkaroon sila ng quality time ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli ay ang sumama sa training nito ng triathlon. Namataan pa silang magkasamang dumalo ng premiere night ng The Healing nitong linggo bilang suporta sa kaibigan nilang si Kim Chiu. 

Ngunit naging tampulan ng ispekulasyon ang posts ni Maja sa Instagram ng mga break-up quotes mula noong July 22: “I don’t know why they call it heartbreak. It feels like every part of my body is broken too.” Tila emosyunal pa rin ang aktres sa sumunod nitong post noong July 25: “One of the hardest decisions you’ll ever face in life is choosing to walk away or try harder.” 

Lalo pang nagkahinala ang fans nila Maja at Matteo nang mag-post muli ang una ng quote tungkol sa pagiging single at pagharap sa panibagong yugto ng buhay ng isang tao. Makahulugan din ang post niya tungkol sa isang masayang relasyon na nauwi rin sa paghihiwalay. “One moment you think you mean the world to someone, and then before you know it, you’re all alone.” 

Base sa usap-usapan sa nasabing social networking site ay dalawang linggo nang may pinagdadaanang problema ang magkasintahan. Ngunit umaasa ang kanilang fans na magkakaayos din ang dalawa.  Payo pa ng isa sa followers ni Matteo sa Instagram na si @abigailroseperez, “Sabi ko nga sa inyo sa @mateoguidicelli at @majasalvador, it's normal to fight WITH each other, just never stop fighting FOR each other. Love you guys so much. Do what you guys need to do. No matter what, we are 110% supportive of both of you. Arguments are [difficult to handle] but they are there to strengthen your relationship. :) Praying.”

Keep logging on to www.Push.com.ph and @push_mina for more updates about your favorite Kapamilya stars.