• Home
  • Fresh Scoops
  • Khalil Ramos denies that his album is in direct competition with Daniel Padilla's album

Khalil Ramos denies that his album is in direct competition with Daniel Padilla's album

Khalil Ramos says his album recording is a wish come true.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/26/2012 9:13 AM
Khalil Ramos denies that his album is in direct competition with Daniel Padilla's album


072612-khalil_main.jpgSa recording ng pinakabagong self-titled album ni Khalil Ramos, hindi maitago sa isa sa mga bida ng Princess and I ang saya na natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap. Matatandaang nakilala at nadiscover si Khalil ng sumali siya sa reality talent search na Pilipinas Got Talent Season 3 at very excited si Khalil na ikwento ang kanyang pinakabagong proyekto. “This is my first project in the music industry am I just really really happy that there are some people who would give me opportunities just like this and this is one of my dreams.”
 
Very excited din ni kinukwento ni Khalil ang lalamanin ng kanyang bagong album. “Well this is an EP which includes 6 songs and it comes with a minus one. Yung dalawang kanta, narinig na nila before sa mga love songs sa Princess and I. Nandun yung ‘Kung Ako Ba Siya?’ which really hit sa mga tao, ‘Now We’re Together’ na isa din sa mga soundtrack and ‘One More Chance’ and ‘Simple Lang’ and ‘I Don’t Want To Miss a Thing’ yun ang nanggaling sa PGT na napagdesisyunan naming na isang song na manggaling sa PGT.”
 
Naibahagi din ni Khalil na kung sakaling masundan ang kanyang album pangarap niyang magkaroon ng collaboration sa kanyang mga idolo na sina Gary Valenciano at Bamboo.  “Ultimate yun!” excited na sagot ng young actor.
 
Matagal na ring naiintriga ang mga leading men ni Kathryn Bernardo kung pati sa sa totoong  buhay ay may kumpetisyong namumuo sa kanila nina Enrique Gil at Daniel Padilla at kamakailan nga din ay naglabas ng album si Daniel Padilla kaya naman natanong namin kay Khalil kung ang album niya ba na ito ay pantapat din sa inilabas na album ni Daniel Padilla. “Well sa amin naman wala namang competition in real life. Well I am happy for him na bumenta yung album niya and of course darating din yung time na magrerelease ako so wala namang competition and we are good friends. Maganda naman yung album niya and it sells really good and sana suportahan din ng tao ang akin.”
 
Aminado si Khalil na matindi ang kanyang kabang nararamdaman sa pag-release ng bago niyang album lalo pa at umiikot ang isyung nagtatapatan sila ni Daniel Padilla, “Of course di matatanggal yung kaba. I did my best and my 100% so sana magustuhan nila and kinakabahan talaga kasi you will never know but I am just happy. Mabenta man o hindi, I am happy.”
 
Pero hindi maiiwasan ang kani-kanilang mga fans na magkaroon ng tensyon at natanong na rin namin kay Khalil ang kanyang nararamdaman na mas maraming fans ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “Well yeah obviously mas malakas kasi mas matagal silang nagsama so from Growing Up pa lang nag-hit na talaga yung love team so marami silang fans.” Tanggap naman ito ng binata, ayon pa sa kanya, “Yes of course naman I don’t think anything against them and I am just doing my job.”
 
At dagdag pang paglilinaw ni Khalil sa diumano’y hindi mamatay-matay na isyu na kumpetisyun sa kanilang tatlo, “Well in real life wala po talaga hindi yung tipong mas ok kami pag ganito. We are really good friends we don’t think about competition at all. Maybe sa show, sa fans, hindi talaga maaalis and siyempre sa character hindi mo maalis yun pero in real life wala talaga.”