Zsa Zsa Padilla, family members remember Dolphy's birthday

The Quizon family offered a mass for the Comedy King's 84th birthday.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

7/25/2012 4:10 PM
Zsa Zsa Padilla, family members remember Dolphy's birthday


072512-zsazsa1_main.jpgInaalala ngayon ng mga Pilipino ang ika-84 na kaarawan ng Hari ng Komedya na si Dolphy.

Nitong Miyerkules isang misa at kainan ang inialay ng pamilya at malalapit na kaibigan ng pamilya Quizon para ipagdiwang ang kaarawan ni Dolphy.

Gamit naman ang Twitter, inalala ni Zsa Zsa Padilla, huling babae sa buhay ni Dolphy ang kaarawan ng lalaking pinakamamahal.

Isang larawan ni Dolphy na nagbo-blow ng kanyang cake ang ibinahagi ni Zsa Zsa sa microblogging site.


Ipinanganak na Rodolfo Vera Quizon, si Dolphy ay kilala sa pagganap nito sa mga comedy films tulad ng "Facifica Falayfay" at "Jack and Jill."

Hindi din malilimutan ang pagganap niya bilang isang ordinaryong Filipino nang gampanan niya ang character na si John Puruntong sa "John and Marsha."

Nitong July 10, binawian ng buhay si Dolphy dahil sa multiple organ failure bunsod ng  pneumonia at chronic obstructive pulmonary disease.

Inulila ni Dolphy ang kanyang 18 anak sa anim na iba't ibang babae.