• Home
  • Fresh Scoops
  • Teamwork on their new movie is important for Toni Gonzaga and Vice Ganda

Teamwork on their new movie is important for Toni Gonzaga and Vice Ganda

The actress-host explains that going to her movie shoots doesn't feel like work because being with Vice is always fun.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/25/2012 9:00 AM
Teamwork on their new movie is important for Toni Gonzaga and Vice Ganda


072512-vicetoni_main.jpgPatuloy ngayon ang shooting ng ginagawang pelikula nina Toni Gonzaga at Vice Ganda at sa recent interview with the actress, sinabi niya na para nga lang silang naglalaro sa shooting. “Ang saya-saya, wala kaming sayang na araw sa shooting kasi puro tawa. Actually minsan nga napagalitan kami kasi hindi kami makapag-take ni Vice kasi si Vice pag tumingin lang, natatawa ako, natatawa kami lagi sa isat-isa,” pahayag ni Toni. “So ‘yun ang struggle namin kung paano namin matatapos ang isang eksena.” Makakasama rin nila sa pelikula si Luis Manzano.

Samantala, nang itanong ng Push.com.ph kay Toni kung doble ba ang effort niya sa pelikula dahil kailangang makipagsabayan kay Vice Ganda, ang kampanteng tugon ng aktres, “Hindi. Wala namang double effort. I think sa isang pelikula, all you have to really do is know your character and alamin mo lang kung hanggang saan ka, hindi pwedeng magsapawan, eh. Pag may moment si Vice, ibinibigay ko talaga sa kanya. Kung ‘yun ang eksena niya, eksena niya talaga ‘yon. Andon ako para sumuporta. Ganun din naman siya, ‘pag may eksena ako, sumusuporta din siya (sa akin).”

Masuwerte nga raw siya dahil malapit silang magkaibigan ni Vice. Sa totoo lang, bago pa lang daw si Vice noon sa showbiz ay nagkaroon na sila ng pagkakataon na magkatrabaho na nauwi sa pagkakaibigan. “Actually, isa ako sa mga unang naging malapit sa kanya (Vice) sa industriya kasi 2007 kami unang nagkatrabaho, bago pa lang si Vice non.” At sa pagkalipas ng maraming taon ay napanatili ng dalawa ang kanilang pagkakaibigan.

Samantala, patuloy naman daw ang pagtibay ng relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano, sa kabila ng mga pag-iintriga sa kanilang relasyon.

Nang tanungin kung ano ang sikreto sa kanilang matibay na samahan, ang tugon ni Toni, “I think walang formula ang isang relasyon gaya ng isang marriage. It’s just a matter of willingness to make it work. Siguro ‘yun ‘yon. This may sound cliché but if you really put God at the center of your relationship and Siya ang mamamagitan magiging maayos ang lahat.