Kris Aquino gears up for kissing scene with Robin Padilla

Kris is excited with returning to primetime TV.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

7/25/2012 4:12 PM
Kris Aquino gears up for kissing scene with Robin Padilla


072512-kris_main.jpgExcited ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa pagbabalik taping niya para sa pinakabagong serye na "Kailangan Ko'y Ikaw."

Sa kanyang morning show na "KrisTV" nito lamang Miyerkules, sinabi ni Kris na nakatakda siyang gumawa ng kissing scene kasama ang dating nobyo at ngayon ay leading man niya sa serye na si Robin Padilla.

Para din sa engagement scene ng serye ay tumanggi munang magluto si Kris sa kanyang show para maiwasan mangamoy ulam ang kanyang buhok.

"Kaya nga ayaw kong magluto today kasi ngayon kami mae-engaged. Ayaw kong magluto kasi baka sabihin ni Robin, 'Ano ba itong amoy ni Kris?"

Tumanggi din siyang tikman ang nilutong ground pork dish ng mga ex-housemates tulad nila Roy Roquejo at Alec Dungo na guest ng show bilang paggalang din kay Robin na isang Muslim.

"Out of respect I can't eat pork kasi di ba Muslim si Robin and we have a kissing scene so I can't eat pork. Totoo lang bakit? Parang out of respect nga, hello?"

Dagdag ni Kris, malamang sa Oktubre ay maipalabas na ang nasabing serye.

"Ako naman from here diretso sa taping. We resumed 'Kailangan Ko'y Ikaw.' Keeping our fingers crossed na by October ang teleserye namin ni Anne Curtis at Robin Padilla will be airing," ani Kris.

Sa kanyang official Twitter account, nag-post pa si Kris ng larawan na kinunan habang may eksena siya kasama si Robin.

072512-kris1_main.jpg

Maliban sa"Kailangan Ko'y Ikaw," naghahanda din si Kris para sa isa pang pelikula.