• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz reveals the secret of his successful relationship with Cristine Reyes

Rayver Cruz reveals the secret of his successful relationship with Cristine Reyes

The actor says Cristine's gift for his birthday came from her recent trip to London.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/24/2012 8:59 AM
Rayver Cruz reveals the secret of his successful relationship with Cristine Reyes


072412-rayver_main.jpgIsang simpleng dinner with family and girlfriend Cristine Reyes ang ginawa ni Rayver Cruz para sa kanyang birthday celebration. Rayver turned 23 this year.

Simple rin lang ang birthday wish ni Rayver. “More blessings, more success sa career and good health sa akin sa family ko at loved ones ko."

Sa ngayon ay hindi pa raw niya nakukuha ang regalo kay Cristine dahil kakabalik lang ng aktres mula London. “Nasa Balikbayan box pa ‘yung pasalubong so kasama na rin siguro ‘yung gift ko. Hindi naman ako humihiling ng mga regalo,” pahayag ng aktor.

Madaming intriga ang pinagdaanan ng relasyon nina Rayver at Cristine subalit nananatili silang matatag. “Siguro pag lagi na kayong magkasama at give-and-take kayo sa lahat ng bagay at you understand each other. Kailangan mahalin ang isat-isa.” Ito raw ang sikreto ng kanilang pagsasama.

Kung tutuusin daw ay wala namang pinagdaanang mabigat ang kanilang relasyon subalit maraming matitinding isyu ang lumabas hinggil sa kanila. “May mga lumabas na isyu pero pinagtatawanan ko lang kasi kitang-kita na di naman totoo. Nakakatawa lang, di ko na lang pinapansin ang ganong issues. Basta ako happy ako.”

Tinanong din si Rayver hinggil sa recent isyu na pagkaka-link ng kanyang girlfriend sa isang politician. “Lahat ng isyu kay Cristine natatawa na lang ako kasi ganun eh. Normal sa kanya na gawan ng issue.”

Itinanggi rin niya ang isyung hindi boto kay Cristine ang pamilya ng aktor. “Hindi totoo ‘yon eh. Ngayon lang magkasama sila eh. Lalo na ngayon nakalipat na si Cristine sa South 'di ba, mas nagkaka-bonding na kami. Hindi pa kami magkakilala matagal na siyang nag-iipon para makalipat sa South."

Itinanggi rin ni Rayver ang isyung nagparetoke si Cristine ng kanyang mukha at sinabing ang importante sa kanya ngayon ay masaya siya sa kanilang relasyon.