• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson to Sarah Geronimo: 'Wish ko mahanap mo 'yung happiness na matagal mo nang hinahanap'

Gerald Anderson to Sarah Geronimo: 'Wish ko mahanap mo 'yung happiness na matagal mo nang hinahanap'

Gerald Anderson and Sarah Geronimo promise each other to be friends forever.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/23/2012 6:00 PM
Gerald Anderson to Sarah Geronimo: 'Wish ko mahanap mo 'yung happiness na matagal mo nang hinahanap'


072312-sarah-main.jpgNag-trending worldwide sa social networking site na Twitter ang episode ng Sarah G. Live nitong Linggo dahil special co-host ni Sarah Geronimo ang nali-link sa kanyang si Gerald Anderson. Ang nasabing episode ay bahagi pa rin ng month-long birthday celebration ng Pop Star Princess. 

Nagkaroon ng dance number ang dalawa sa opening number kung saan napuno ng hiyawan ang studio mula sa mga nonood dahil sa sobrang kilig. Nagkaroon din ng interview with Sarah and Gerald sa second to the last gap ng show kung saan ininterview ng regular co-host ng show na si Luis Manzano ang sikat na love team. Dito ay nagkaroon ng kulitan ang dalawa at binalikan ang mahahalagang moments kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. 

Sa last portion ng show, kung saan kumanta rin ng kanyang closing song si Sarah, ultimate kilig ang lahat sa mensahe ni Gerald kay Sarah, gayundin ang mga romantic gestures niya, gaya ng mga birthday gifts, birthday messages at ang constant holding hands nila. 

Mala-pelikula rin ang naging palitan nila ng mensahe sa last part ng episode. Nagbigay kasi ng birthday message si Gerald at iniabot din niya kay Sarah ang kanyang birthday gifts. “Happy birthday! Wish ko talaga sa ‘yo sana mahanap mo ‘yung mga sagot sa mga tanong mo at mahanap ‘yung happiness na matagal mong hinahanap,” bungad ni Gerald sa mensahe niya kay Gerald.

Sinagot naman ito ni Sarah ng , “Thank you sa joy, sa kilig sa inspiration na naibahagi mo sa akin, sa aming lahat. Wish ko ang friendship natin mag-last forever. Andito ako sa ‘yo para suportahan at maging mabuting kaibigan para sa ‘yo.” 

Unang ibinigay ni Gerald ang flowers kay Sarah at sinundan ito ng isang kahon. Nang binuksan niya ito, ang unang laman ay isang white T-shirt na may print na “Babe” na tawagan nilang dalawa. 

Ang pangalawang gift naman ni Gerald ay isang clock. “Time para sa studies mo, career mo pati sa mga Popsters, Ashralds, iba-ibang grupo na sinusuportahan ka; time para sa pamilya mo, nanay mo, tatay mo, kapatid mo; time para sa ‘yo. Time para sa mga gusto mong gawin, ma-experience, lahat ‘yon,” mahabang pahayag ng aktor. “Kasi ang bilis ng oras di ba? Kaya kung may gusto kang gawin, may gusto kang sabihin, sabihin mo na, gawin mo na. Sinasabi ko lang kasi time lost may never be found again. Time will decide what’s best for us.”