• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Teen housemates Karen Reyes and Ryan Boyce say they are just 'close friends'

PBB Teen housemates Karen Reyes and Ryan Boyce say they are just 'close friends'

The two former housemates say that they will take things slow and they agreed to begin again as friends.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/22/2012 11:18 PM
PBB Teen housemates Karen Reyes and Ryan Boyce say they are just 'close friends'


072312-ryeren-main.jpgMukhang nagbago ang ihip ng hangin para sa Pinoy Big Brother Teen ex-housemates Ryan Boyce at Karen Reyes na sinabi sa The Buzz kahapon na magkaibigan lang sila. Ito ay matapos magsabihan ang dalawa ng mga katagang “I love you” sa bahay ni Kuya kung saan nabuo rin ang kanilang love-team. “Close friends lang po talaga kami,” ang paulit-ulit na pagsambit ni Ryan sa showbiz-oriented TV show.

Kinumpirma naman ito ni Karen at sinabing naguluhan lang sila sa kanilang emosyon noong nasa loob sila ng PBB house. “Close friends lang po talaga kami kasi sa loob ng bahay, hindi mo naman talaga maiiwasan ‘yun eh,” depensa pa ni Ryan.  Kuwento nila kay Toni Gonzaga kahapon, napagkasunduan muna nilang maging magkaibigan lalo pa’t may ambisyon silang pasukin ang mundo ng showbiz. Kuwento pa ni Karen, “Sabi ko po sa kanya (Ryan), ‘Willing ka bang maghintay?’ Sabi niya, oo naman. Sabi ko, ‘Eh di sige, ikaw ang bahala.’”  Sabi pa ng dalawa they want to take it slow since mga bata pa lang naman sila.

Naipakilala na raw ni Karen si Ryan sa nanay ng una at kinausap din ng nanay ni Karen ang binata. “Close po kami (ng nanay ni Karen),” sabi ni Ryan. Inamin din niya na sinabihan siya nito na sana maging magkaibigan muna sila ng kanyang anak. Pagkumpirma ni Karen, “Parang nasabi ni mama na hinay-hinay muna.

Samantala, mapapabilang na rin sa isang teleserye si Karen at papasok sa afternoon teleserye na Angelito: Ang Bagong Yugto. Nagsimula na raw ang kanyang taping. 

Sa kanilang batch sa PBB, isa rin si Kit Thompson sa mga naunang nabigyan ng proyekto at napapanood ngayon sa teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan. Incidentally si Kit ang unang na-link kay Karen bago si Ryan. 

Wala pa namang offer kay Ryan pero sinabi niya na open siya na subukan din ang showbiz.