• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks: 'I prefer doing kontrabida kesa sa bida roles'

Melissa Ricks: 'I prefer doing kontrabida kesa sa bida roles'

Melissa Ricks says that playing kontrabida roles feels more natural to her over playing bida roles.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/21/2012 8:43 PM
Melissa Ricks: 'I prefer doing kontrabida kesa sa bida roles'


072212-melissa-main.jpgWala na raw mahihiling pa si Melissa Ricks sa tinatamasang tagumpay ng kinabibilangan niyang teleserye, ang Walang Hanggan na certified top-rater sa primetime bida ng ABS-CBN. Bukod pa raw sa magandang storya ng kanilang show, masaya rin daw ang mga tao sa kanilang set. “Super chill lang kami. Everyone is just having fun. Ito talaga ‘yung first teleserye na sasabihin ko na nung una super na-intimidate ako. You have to know your lines. Nung nakilala ko sila, they are also very friendly. Pwede mo nga silang biruin, so nakakatuwa, pero I’m happy na hindi namin ine-expect na tataas na ganitong kataas [ang ratings]. Sana ma-maintain namin. And the writers are doing a very very good job,” natutuwang sabi ng aktres.

Sa nasabing teleserye, may pagka-kontrabida ang role ni Melissa, kung saan ginagampanan niya ang role ni Johanna na inilarawan nga niya na may pagka-“bratty.” Pahayag ng dalaga, mas gusto raw niya ang ganitong roles dahil nakaka-challenge. “I actually prefer doing kontrabida roles kesa sa bida roles. I enjoy ‘yung nagsusuplada, ‘yung may inaaway,” paliwanag niya. Dagdag pa niya, noong nakipag-meeting daw siya with the bosses ay hiniling daw niya sa mga ito na bigyan siya ng mga roles na kontrabida. “I want to get offbeat roles, gray roles na kaaway nung bida. For some reason I enjoy doing that better than inaapi, ako umiiyak ako.”

Kahit daw sa personal niyang buhay ay wala nang mahihiling pa sa ngayon si Melissa. Bukod sa masayang career, pati ang kanyang buhay pag-ibig ay masaya. Open na ngayon si Melissa sa pagsasabing magkarelasyon na sila ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo. “Everything is good. I’m happy with my career, with my love life, with my family. Masaya naman po ako. There is nothing more I can ask for this year. Last year was bumpy, but this year, sobra-sobra na ‘yung blessings na ibinibigay sa akin, so thankful ako sa ABS-CBN and Star Magic dahil di nila kami pinabayaan.”

Limang buwan na sila ni Paul Jake at going strong daw ang kanilang relasyon. Sinusubukan daw nilang huwag masyadong i-publicize ang kanilang relasyon upang sa ganon daw ay maiwasan na maging kumplikado ito.