• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim says that his heart will be happy if Kim Chiu becomes his girlfriend

Xian Lim says that his heart will be happy if Kim Chiu becomes his girlfriend

The budding actor said that he is grateful to Kim Chiu for her gifts to him on his birthday.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/20/2012 9:28 AM
Xian Lim says that his heart will be happy if  Kim Chiu becomes his girlfriend


072012-kimxi_main.jpgIpinagdiwang ni Xian Lim ang kanyang 23rd birthday noong July 12 kasama umano ang kanyang mga mahal sa buhay, pamilya, mga kaibigan at pati na ang fans. “Sinurprise ako ng fans club. They came from KimXis, they came from the (United) States and nagpunta sila dito and then nagbigay sila ng surprise,” masayang kuwento ng aktor.

Inamin din niya na nagkita at nag-celebrate sila ni Kim Chiu na nali-link sa kanya. “Nagkita naman kami the day before (my birthday), kasama naman sina Maja (Salvador).

Sinabi ni Kim na binigyan niya ng shoes and travel bag si Xian as gifts na ikinatuwa naman ni Xian. Para nga raw sa kanya ay sapat nang regalo ang pagkakaibigan nila ni Kim. “Siyempre naman bonus na talaga ‘yon and thankful ako na andyan siya and happy na she’s there. Thank you, Kim,” sambit ng aktor.

Tumanggi si Xian na magbigay pa ng ibang detalye tungkol sa mga regalo ni Kim. Nang kamustahin ang estado ng kanilang relasyon, ang paiwas na tugon lamang ni Xian ay, “Masaya naman kami.” Tinanong din siya kung aamin ba siya kung sakaling sila na. Ani Xian, “Wala naman pong itinatago ang puso. Basta andyan ‘yan di siya mapipigilan,” sagot niya.

Nang tanungin para sa kanyang birthday wish, sagot ng aktor, “Sana tuloy-tuloy lahat. Lahat ng blessings na dumadating, sana tuloy-tuloy lang, ma-sustain siya. Nagpapasalamat sa nagbigay sa akin ng opportunity.”

Nang hiritan kung hindi ba niya wish na sagutin na siya ni Kim, ang sagot niya, “Siyempre gusto ko (maibigay ang) happiness ng puso ko.”

Ongoing ngayon ang taping ng Ina, Kapatid, Anak na pagbibidahan nina Xian, Kim, Enchong Dee at Maja Salvador. Ito ang muling pagtatambal nina Kim at Xian after My Binondo Girl, kung saan sumikat ang kanilang love-team.