• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli says he is excited and nervous about his new sexy image

Matteo Guidicelli says he is excited and nervous about his new sexy image

With his new TV project 'Isla,' Matteo Guidicelli is finally shedding his wholesome image to embrace sexier and more challenging roles.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/21/2012 12:35 AM
Matteo Guidicelli says he is excited and nervous about his new sexy image


072012-matteo-main.jpgNagsimula na raw ng taping si Matteo Guidicelli sa kanyang susunod na teleserye kasama sina Jessy Mendiola, Jewel Mische at Matt Evans na may tentative title na Isla. Aniya, pinaghandaan talaga niya ang nasabing teleserye. Ito daw ang dahilan kung bakit iba na ang itsura niya ngayon na mas lean at darker.

Kasabay nito ay ang pagiging active ni Matteo sa pagiging triathlete. “Whenever I have free time, I work out,” pag-amin niya. Aniya, una naman siyang nakilala bilang athlete sa racing at dahil hindi siya makapag-racing ay ang pagiging triathlete ang kanyang naisip.  

Ngayong magiging hectic na ang schedule niya, sinabi ni Matteo na mababawasan ang oras niya sa training, pero hindi naman daw niya ito ititigil. “If I can’t do heavy training, light training na lang, shorter training na di nakakapagod. Basta I just have to keep my body moving and be active all the time.”  

Naitanong din sa aktor kung naisasama ba niya ang girlfriend niyang si Maja Salvador sa kanyang physical training. “She wants to but she’s always busy and I was trying to get her to run or bike, but she’s doing swimming already. She’s getting good, (she’s) almost there. But she’s always on the treadmill because she doesn’t want to go dark,” natatawa niyang sabi. 

But sa kanyang kakaibang look, sinabi ni Matteo na very excited siya sa kanyang bagong role. “It’s a whole different thing, it’s a whole different me. I’m very excited and scared at the same time,” pag-amin niya. 

Dagdag pa niya kahit daw siya ay nagugulat sa mga eksena niya na kailangan magpa-sexy, which is in contrast to his very wholesome image. “Ako nga nagugulat eh with all the scenes that I’m doing parang di ako sanay, parang ibang tao talaga, very very different character. I’m ready to finally give chance to playing something else.” 

Kumpiyansa rin siya na magwo-work ang team-up nila ni Jessy dahil ayon daw sa mga tao, positibo naman ang feedback nila sa kanilang love-team.