• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai delas Alas neither confirms nor denies news about her getting married

Ai-Ai delas Alas neither confirms nor denies news about her getting married

Ai-ai keeps mum on news about her supposed upcoming wedding this December and the reason why she allegedly refused to do a movie for the MMFF.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/20/2012 9:35 AM
Ai-Ai delas Alas neither confirms nor denies news about her getting married


072012-aiai_main.jpgSa ginanap na contract signing ni Ai-Ai delas Alas para sa Star Cinema, nakatakda siyang gumawa ng apat na pelikula sa loob ng tatlong taon. Tatlo sa pelikulang ito ay pagsasamahan nila ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz at ang isang pelikula naman ay pagbibidahan nilang dalawa ni Gov. Vilma Santos, isa din dito ang pagsasama muli nila ni Vic Sotto para sa part two ng Enteng ng Ina Mo na ayon kay Ai-Ai ay kanyang request talaga. “Oo, noon pa yun na request. Dapat gagawin namin pero busy din sila kaya next year na.”
 
Nagpatikim na rin ng kaunti ang Comedy Queen sa kung ano ang aabangan sa kanya sa mga pelikulang ito. “Yung kay Ate Vi comedy drama pero more on drama.” At naging pabiro naman ang sagot niya nang matanong kung sa pelikula nila ni John Lloyd ay magka-love team sila dito. “Ganun tignan natin. Kung amo ko siya, katulong niya ako ganun.”
 
Inamin din ng Comedy Box-Office Queen na request niya rin makatrabaho si John Lloyd. “Never ko pa kasi siyang nakasma e, di tulad ni Papa P (Piolo Pascual) na nakasama ko na siya sa concerts, nakasama ko na siya sa ASAP. Si JL never kahit saan kahit sa soap never ko pa siya nakasama kahit sa guesting di ko pa siya nakasama.” At dagdag pa ni Ai-Ai tungkol kay JL, “Mahusay, alam naman natin na isa siya sa pinakamahusay nating aktor.
 
Naging magaan at puno ng tawanan ang interview nang mapag-usapan pa ang mga maaring eksena nila ni John Lloyd sa pelikula. Nang matanong kung may request ba siyang espesyal na eksena sa gagawin nilang pelikula, sagot niya, “Siguro kung type ko! Hindi type niya e, type ko talaga.” At napuno pa ng hagikgikan ang tanungan nang matanong kung anong mga eksena ang maari nilang gawin. “Siyempre kissing scene, alangan namang wala ‘di ba? Siyempre meron, may bed scene, kissing scene, wet scene, swimming kami.”
 
Sa biro na single si John Lloyd ngayon at tulad ng ibang mga artista na nadedevelop sa pagiging magkarelasyon ang dalawang co-stars ang nasabi na lang ng Comedy Queen, “Ay single ba siya? Naku sayang ako hindi e. Ganun talaga, hayaan mo na.
 
Kaya naman nang matanong kung kamusta na ang love life ni Ai-Ai ngayon, sagot ng aktres ay, “Ah, ngayon sa love life ko marami akong natututunan sa kanya and so far kami pa rin buti naman.” Inamin din ni Ai-Ai na anim na buwan na sila ng karelasyon, hirit pa niya, “Achievement na ha.”
 
Kumalat din ang mga bali-balitang kaya hindi tumanggap ng proyekto para sa Metro Manila Film Festival si Ai –Ai ay dahil ikakasal na siya this December pero ang naging maintrigang sinagot niya, “No comment.” Pero nang uriratin pa ang Comedy Queen sa isyung ito, “Hindi ko masagot e, saka muna natin sagutin yan. Isipin muna natin yung pagkakakitaan ko muna.”
 
Nabahagi din ni Ai-Ai na wala siyang problema sa pakikituring ng bago niyang boyfriend sa kanyang mga anak. “Ay ok! Ok sila at kasundo niya lalo na yung bunso.” Inamin din ni Ai-Ai na nakilala na rin niya ang pamilya ng lalaki. “Ok naman sila mababait sila.