• Home
  • Fresh Scoops
  • Mylene Dizon on her next relationship: 'I want stability. I want security'

Mylene Dizon on her next relationship: 'I want stability. I want security'

Mylene Dizon admits that she is dating a non-showbiz guy, but was quick to say that she is not yet ready to jump into another relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/17/2012 9:54 AM
Mylene Dizon on her next relationship: 'I want stability. I want security'


071712-mylene_main.jpgMuling ipapamalas ni Mylene Dizon ang kanyang galing sa pag-arte sa pamamagitan ng Cinemalaya entry na Aparisyon na katatampukan din ni Jodi Sta. Maria. Ginagampanan ng dalawa ang papel ng mga madre during the Marcos regime, kung kailan biglang pumutok ang rebolusyon na magpapabago sa buhay ng dalawa.

Kuwento ni Mylene, sa pagganap niya bilang madre ay napagtanto niya kung gaano kahirap ang naturang propesyon. “Mahirap maging madre, masyadong maraming limitations and this is something you’re born to be. Hindi ito ‘yung, ‘Ay, magmamadre ako today,’” paglalarawan ng aktres.

On having worked with Dolphy
Samantala, sinabi rin ni Mylene na sa kabilang banda ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib sa pagpanaw ni Comedy King Dolphy dahil daw natapos na ang paghihirap ng showbiz icon. “He gave us more than what we needed, more than what we wanted, more than what was needed by his audience. Okay na rin. Di ba kase kailangan naman talaga magka-break na tayong lahat after how many years, after all the pains he had to go through in his life.

“I am very thankful dahil kahit paano nakatrabaho ko siya dati sa Home Along Da Riles. ‘Yung huli ko is May Bukas Pa with him and Vhong Navarro.”

Inilarawan din ng aktres si Dolphy bilang katrabaho. “He doesn’t say much. You watch him, listen to him to the very few words na sasabihin niya and observe mo lang siya and matutututo ka.”

Hindi nga raw siya makapaniwala na dati ay pinapanood lang niya ang Comedy King noong bata pa siya kaya naman isang good experience ang makasama at makatrabaho siya.

Setting aside her love life
Kinumusta rin si Mylene pagdating sa kanyang love life. Matatandaang pagkatapos nilang maghiwalay noon ng band member na si Ira Cruz ay nagkabalikan silang muli. “Wala akong love life. I am single, I am dating,” tugon ng aktres at kinumpirma na hiwalay na muli sila ni Ira.

Muli raw silang nagsama ng dalawang taon subalit nauwi uli ito sa hiwalayan. “Well we tried to make it work pero hindi na siya nagwo-work, so itinigil na namin. Rather than waste each other’s time. Actually nagdi-date ako. Non-showbiz.”

Aniya pa, sa ngayon ay mas gusto raw niya ang non-showbiz upang hindi raw masyadong kumplikado sa relasyon. Dagdag niya, hindi pa naman siya ready pumasok sa isang relasyon. “I’m actually enjoying myself being single. I’m having fun. I travel a lot. I do things I’ve always wanted to do, nagsu-surfing.”

Nang diretsahang tinanong si Mylene kung ano ang hinahanap niya sa lalaki, ang sagot niya, “I want stability. I want security and I want a tall, guwapo man. Stable, sweet, security. Kaya nahihirapang maghanap ang babae kasi ‘yun ang hinahanap ng lahat eh.”

Biniro pa nga siya na baka ang makatuluyan niya ay ang kanyang former partner na si Paolo Paraiso na siya ring ama ng dalawang anak ni Mylene.  “Hindi na siguro,” paniniyak ni Mylene. “I think we tried it also and it didn’t work. Ako ngayon definite ako sa mga bagay. Wag na tayong easy-easy. Wala ng maybe-maybe. Pag wala, wala,” natatawa niyang sabi.

Gayunpaman madali raw para kay Paolo na makita at makasama ang kanyang mga anak dahil wala naman silang isyu ni Paolo.