• Home
  • Fresh Scoops
  • Precious Lara Quigaman says she has no plans of leaving showbiz

Precious Lara Quigaman says she has no plans of leaving showbiz

The former beauty queen shares that she still has showbiz commitments and will stay in showbiz as long as she will be offered projects.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/15/2012 11:14 PM
Precious Lara Quigaman says she has no plans of leaving showbiz


071612-lara-main.jpgNoong nakaraang Linggo, July 18 ay ikinasal na ang magkasintahang sina Precious Lara Quigaman at Marco sa Indang, Cavite. Ikinasal na sina Marco at Lara sa Canada noong 2010 at ngayon ay inulit muli nila ang ceremony para sa mga kaanak at kaibigan sa Pilipinas.  Pagbubunyag ni Lara, answered prayer para sa kanya si Marco dahil ibinigay umano ito sa kanya sa panahong ipinagdasal niya ito, kaya naman alam niyang si Marco ang pakakasalan niya. 

“I just knew. Nung time na dumating siya sa buhay ko, ‘yun ‘yung time na I was praying for someone na ‘yung talagang ibibigay sa akin ni Lord and parang sobrang… lahat… sobrang right time with Marco sa lahat ng nangyari, so alam kong si Marco talaga.”  

Limang buwan nang buntis si Lara kaya naman hindi muna raw sila magho-honeymoon ni Marco. Isa pa, pareho raw silang may showbiz commitments ng kanyang husband kaya pagkatapos na lang ng kani-kanilang mga proyekto nila ito iisipin. 

Samantala, walang balak iwan ni Lara ang showbiz kahit pagkatapos niyang ipanganak ang kanyang dinadala. “We’ll stay. Hangga’t gusto ako, hangga’t may work at may trabaho talaga, I will be here.” 

Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Lara sa lahat ng mga taong tumulong  sa kanila upang matupad ang kanilang dream wedding ni Marco.