Empress reveals she is ready to do bolder and offbeat roles

The actress says that this is the right time for her to accept roles outside her comfort zone.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/14/2012 10:02 PM
Empress reveals she is ready to do bolder and offbeat roles


071512-empress-main.jpgMixed emotions ang nararamdaman ni Empress sa pagtatapos ng Mundo Man Ay Magunaw last Friday. “Sana wag matapos, malungkot at masaya rin. At least nagsama-sama kayo, at least nangyari ‘yung gano’ng moment sa buhay mo. May ganung experience sa buhay so okay na rin po,” pahayag ng aktres.

Sa naganap na farewell press con ng nasabing teleserye, ilan sa co-stars ni Empress, gaya ni Sylvia Sanchez ang nagpahayag na gusto nilang makita si Empress sa mas daring or mas challenging roles at hindi lang ang usual na mabait na bida dahil alam nilang may kakayahan talaga ang young actress pagdating sa pag-arte.

Flattered naman si Empress dito. “Siyempre naman, masaya ako na napag-iisipan ako ng ganyan. Masaya ako. Kung sa kanila nanggaling na may gusto silang makita, masaya ako na sila nag-isip na may gusto sila for me.” At tila handa na raw ang aktres sa hamon na ito. Ibinunyag din niya na dalawang pelikula ang nakatakda niyang gawin na magpapakita ng kanyang kakayahan bilang mahusay na aktres at kakaiba sa dati niyang nagawa. “Dalawa po ang gagawin ko. Isang horror at ‘yung isa abangan po natin at sana (matuloy)…” medyo kabado niyang pahayag.

Nang banggitin sa kanya ang tila kaba na napansin sa kanya nang sambitin ang future movie, inamin ni Empress na offbeat role daw kasi ang gagampanan niya. “Sobrang iba po talaga pero bata pa rin ako nung nag-artista ako, at alam ko naman na pag artista, na magagawa mo naman lahat. Kasi di naman pwedeng pag ino-offer sa ‘yo tatanggihan mo, walang mangyayari sa ‘yo pag ganon. Parang hanggang d’yan ka lang. Baka di ka na makabalik. Alam ko na bata pa lang ako, hindi pwedeng pa-cute lang. Alam ko talaga na dapat lume-level up. Ito na po ‘yung time na ‘yon. Nasa tamang edad na ako. Okay na po sa magulang ko, sa manager ko, at ang management ko rin nagsasabi. Ang importante lang sa akin, confident ako at handa ang katawan ko. Kailangan maging prepared lang po talaga,” mahaba niyang paliwanag.

Idiniin lang ng aktres na kailangan daw ay buo lang ang kanyang isip at desisyon sa mga gagampanan niyang role, halimbawa ay sexy roles. “Bago ako bigyan ng role bago ako umoo, kailangan maging sexy ako at mas deserving. Kailangan din ng confidence ‘yon. Hindi naman sobra. Pwede naman akong maging daring sa character. Di naman kailangan maghubad ako para maging daring. Kailangan kong matutunan na maging sensual nang konti. Ako kailangan ko munang  maging prepared, sa katawan, sa isip, ready ka talaga, confident. Medyo nasa edad na naman ako kaya medyo wala nang hesitation.”